Price Freeze sa sardinas, noodles, kape hinirit

NANAWAGAN kahapon ang isang grupo ng consumers sa administrasyong Duterte na huwag payagan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng sardinas, noodle­s at kape at ibasura na rin ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na nagpataw ng karagdagang buwis sa mga produktong petrolyo lalo na’t lumakas ang sipa ng presyo ng krudo at gasoline kamakailan.

price freeze sa sardinas noodles kape hinirit - Price Freeze sa sardinas, noodles, kape hinirit
price freeze - Price Freeze sa sardinas, noodles, kape hinirit

NANAWAGAN kahapon ang isang grupo ng consumers sa administrasyong Duterte na huwag payagan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng sardinas, noodle­s at kape at ibasura na rin ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na nagpataw ng karagdagang buwis sa mga produktong petrolyo lalo na’t lumakas ang sipa ng presyo ng krudo at gasoline kamakailan.

Tanong ng Samahan at Ugnayan ng mga Konsyumer para sa Ikauunlad ng Bayan, hindi ba kaya ng administrasyong magsagawa ng mahigpit na price control?

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez kahapon, sa susunod na linggo na dedesisyunan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga hinihiling na price increases ng mga manufacturer subalit sa Nobyembre pa ito maipapatupad dahil kailangan ng mga supermarket ng 30 araw na palugit. Ayon kay Lopez, kaunti lang naman sa mga manufacturer ang humihingi ng increase at maari namang bumili ang mga consumer ng ibang brand ng pangunahing bilihin.

Sabi ni Lopez, sinusuri ngayon ng DTI ang listahan ng mga produktong sakop ng suggested retail price (SRP) and pinag-iisipan bawasan ang laman ng listahan na may 250 items sa ngayon.

Sabi ng SUKI, kahit na maliit lang ang itataas ng presyo ng mga panunahing bilihin, malaki pa rin ang epekto nito sa budget ng mga tao lalo na’t nasa P44 per kilo pa rin ang presyo ng bigas. Dagdag pa nito, pito sa 10 pamilyang Pilipino ay nabubuhay sa P600 lamang sa isang araw. Malaking bahagi ng budget nila ang pagkain at mataas pa rin ang presyo ng pagkain tulad ng isda, itlog, talong, at iba pa.

Ayon sa SUKI, patuloy pa ring pinapasan ng mga mamamayan ang buwis dala ng TRAIN na P2 per kilo ang pinapataw sa lique­fied petroleum gas, P4.50 sa kada litro ng diesel, P9 sa kada litro ng gasoline, at P4 sa kada litro ng kerosene.

Sabi ng SUKI, patuloy na magiging mahal ang mga bilihin dahil sa karagdagang buwis na ipinataw ng TRAIN.

Kasama sa SUKI ang mga convenor ng Alerto Mamimili (Alerto), Alyansa ng Bagong Pilipinas (ABP), Bantay Bigas (BB), Bantay Konsyumer, Kalsada at Kuryente (BKKK), Matuwid na Singil sa Kuryente (MSK) at People Opposed to Unwarranted Electricity Rates (POWER).

Mas kailangan ngayon ng administrasyong Duterte na awatin ang pagmahal ng presyo ng mga bilihin sapagkat “ber” months na at tumataas na ang presyo ng maraming bilihin.

“Government should impose strict price controls and regulate prices in favor of consumers’ rights over business interests. It should also put a halt to the TRAIN Law and consider raising revenues by imposing higher taxes on the richest individuals and conglomerates ins­tead. It should also venture into alternative sources of oil to ensure a stable supply for the country,” sabi ng SUKI.

Hinirit naman ni Senador Imee Marcos na magpatupad ng price freeze hanggang sa buwan ng Disyembre.

Aniya, ngayon pa lamang ay dapat nang maghigipit ang DTI sa mga mapagsamantalang negosyante at itigil muna ang planong pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

“Stop na muna ang taas-presyo sa mga pangunahing bilihin kahit ngayon man lamang panahon ng Kapaskuhan,” sabi ni Marcos.

“Hindi naman siguro makakaapekto ito sa higanteng tubo ng mga negosyante kumpara sa maliit na sahod na tinatanggap ng mga simpleng empleyado,” dagdag pa nito.

Bukod sa sardinas, kape, noodles, asukal, mantika, gatas, sabon, tinapay, soy sauce, suka, itlog at mantika, dapat ding maipatupad ng price freeze sa presyo ng bigas, isda, manok, baka at maging sa baboy.

Ayon pa sa senador, hindi umano makatuwiran planong bagong SRP ngayong Kapaskuhan at hindi rin makatao at nagpapakita lamang na ang DTI ay higit na pinapaboran ang mga negosyante kumpara sa maliliit na mamimili. (Eileen Mencias/Dindo Ma­tining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *