Pribadong sektor kasado sa rehabilitasyon ng mga nawasak ng bagyong Rolly, Ulysses

Nakiisa ang pribadong sektor sa panawagan ng pamahalaan na tumulong sa isasagawang rehabilitasyon sa mga nasirang imprastruktura dahil sa bagyong Rolly at Ulysses.

The post Pribadong sektor kasado sa rehabilitasyon ng mga nawasak ng bagyong Rolly, Ulysses first appeared on Abante.

pribadong sektor kasado sa rehabilitasyon ng mga nawasak ng bagyong rolly ulysses - Pribadong sektor kasado sa rehabilitasyon ng mga nawasak ng bagyong Rolly, Ulysses
abante probado - Pribadong sektor kasado sa rehabilitasyon ng mga nawasak ng bagyong Rolly, Ulysses

Nakiisa ang pribadong sektor sa panawagan ng pamahalaan na tumulong sa isasagawang rehabilitasyon sa mga nasirang imprastruktura dahil sa bagyong Rolly at Ulysses.

Nabatid na  handang makipagtulungan sa Department of Public Works and Highway (DPWH) ang Legacy Construction na tumulong  para makagawa ng mga flood control infrastructure.

“As we’ve all witnessed, typhoons cause massive and costly damage to both agriculture and infrastructure, and it takes long for communities to recover,” ayon kay Legacy Construction Corporation President Alex Abelido.

Nalaman sa ulat ng  National Disaster Risk Reduction and Management Council, (NDRRMC) na aabot sa may P11 bilyon,ang nasira sa imprastruktura at agrikultura.

Kung saan ay  may 230,000 pamilya ang naapektuhan ng bagyong Rolly at may 44,000,nasirang bahay sa Bicol, Mimaropa, at Cordillera Administrative Regions.

Nakahanda umano ang korporasyon na gumawa ng  matatag  na flood control infrastructure kung saan sila eksperto.

Umabot na sa 20 proyekto ang kanilang nagawa kabilang ang Davao, General Santos, at Romblon. 

“In all the projects that we do, we keep the welfare of the community in mind. We are always looking out for more opportunities to help uplift the lives of Filipinos,”dagdag ni  Abelido .(Juliet de Loza-Cudia)

The post Pribadong sektor kasado sa rehabilitasyon ng mga nawasak ng bagyong Rolly, Ulysses first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *