Pribadong sasakyan ipagbawal sa EDSA

ISINULONG ni Caloocan City Rep. Edgar Erice ang pagbabawal sa mga pribadong sasakyan na makapasok sa Edsa tuwing rush hour sa umaga at gabi upang magamit ng mga pampublikong sasakyan.

pribadong sasakyan ipagbawal sa edsa - Pribadong sasakyan ipagbawal sa EDSA
ABANTE EDSA - Pribadong sasakyan ipagbawal sa EDSA

ISINULONG ni Caloocan City Rep. Edgar Erice ang pagbabawal sa mga pribadong sasakyan na makapasok sa Edsa tuwing rush hour sa umaga at gabi upang magamit ng mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay Erice na siyang vice chair ng House Committee on Metro Manila Development sa ilalim ng kanyang panukala, ang Edsa ay dapat para lamang sa mga bus at iba pang pampublikong mga sasakyan mula alas-sais hanggang alas-9:00 nang umaga at alas-sais hanggang alas-9:00 nang gabi tuwing Lunes hanggang Biyernes.

“Dapat ang bigyan natin ng priority ay ‘yung kapakanan ng mga ordinaryong manggagawa, mga mahihirap, mga lower middle class na wala namang mga sasak­yan”, pahayag ni Erice.

Sa hiwalay na panayam sa DZMM sinabi ni Erice na nasa 300,000 mga pribadong sasakyan ang dumadaan sa Edsa kumpara sa 8,000 mga pampasaherong bus.

Binigyang-diin ni Erice na sa ilalim ng kanyang panukala ay bibilis ang biyahe mula Makati patungong Monumento sa Calooocan mula sa kasalukuyang tatlong oras ay maaring halos kalahating oras na lamang.

“Hayaan natin ‘yung mga buses,­ lahat ng public utility vehicles ang payagan natin dito… yung dating dalawa o tatlong oras, baka wala pang isang oras from Monumento to Makati”,” saad ni Erice.

Samantala, iginiit ni Erice na ang kanyang panukala ay pansamantalang solusyon lamang hanggang hindi pa natatapos ang Skyway Extension Project at iba pang mga infrastructure project ng gobyerno sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ program. (JC ­Cahinhinan)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *