Presyo ng kape, gatas, patis sisirit

Sa susunod na linggo ay ipapatupad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtataas sa presyo ng kape, gatas at patis matapos aprubahan ito kahapon.

The post Presyo ng kape, gatas, patis sisirit appeared first on Abante News Online.

presyo ng kape gatas patis sisirit - Presyo ng kape, gatas, patis sisirit
Abante DTI - Presyo ng kape, gatas, patis sisirit

P.50 hanggang P2 kada pakete

Sa susunod na linggo ay ipapatupad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtataas sa presyo ng kape, gatas at patis matapos aprubahan ito kahapon.

Base sa report ng DTI na nasa P0.50 hanggang P2 ang taas-presyo sa kada lata ng gatas, P0.50 hanggang P0.80 sa presyo ng patis at P1 kada pakete ng kape.

Sinabi ni Ruth Castelo, DTI Undersecretary for Consumer Protection, pinag-aralan nilang mabuti ito ang pagpapatupad ng pagtaas sa presyo ng mga nasabing produkto.

“Pinag-aaralan ng DTI ‘yon and we make our own research para masigurado natin ‘yung mga reason nila for increase. Kung justified siya, we approve it,” ani ni Castelo.

Ang taas presyo ay epektibo 15 araw matapos mailathala ng DTI ang updated suggested retail prices (SRP) sa mga pahayagan.

Nasa P0.50 hanggang P2 kada lata ang dagdag-presyo sa mga brands ng gatas na Alaska, Alpine, Carnation, Cow Bell, at Liberty.

Magugunitang pinayagan ng DTI ang mga manufacturer ng nabanggit na mga basic commodities kamakailan.

ayunman mariing binatikos ng consumers group na “Laban Consumers” ang ginawa ng DTI na itaas ang presyo ng kape, gatas at patis na walang konsultasyon sa mga consumers.

Gayundin ang pananamantala ng ilang mga negosyante na nagtaas nang presyo sa kabila ng hindi pa ipinatutupad ng DTI ang bagong SRP hangga’t hindi pa ito nailalathala sa mga pahayagan. (Armida Rico)

The post Presyo ng kape, gatas, patis sisirit appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *