Presyo ng bigas, karne, gulay sa Metro sumirit

Lumobo ang presyo ng ilang produktong pang-agrikultura sa Metro Manila dahil sa kakapusan ng suplay.

The post Presyo ng bigas, karne, gulay sa Metro sumirit first appeared on Abante.

presyo ng bigas karne gulay sa metro sumirit - Presyo ng bigas, karne, gulay sa Metro sumirit
abante gulay - Presyo ng bigas, karne, gulay sa Metro sumirit

Lumobo ang presyo ng ilang produktong pang-agrikultura sa Metro Manila dahil sa kakapusan ng suplay.

Base ito sa price monitoring ng Department of Agriculture kung saan ay naitala ang pagtaas ng presyo ng ilang klase ng bigas sa pagitan ng buwan ng Setyembre at Oktubre.

Ayon pa sa DA ang premium na klase ng bigas ay tumaas ng P2 per kilo gayundin ang regular milled o mula sa dating P40 ay naging P42/kilo sa kabila ng pagbagsak ng presyo ng palay sa ilang lalawigan.

Nasa 20 klase naman ng prutas at gulay ang na-monitor ng DA ang nagtaas ang presyo. Kabilang sa mga ito ay ang sitaw, talong, kamatis, Baguio beans, petsay, sibuyas, bawang, saging, papaya at manga.

Ang sibuyas na P130 kada kilo noong Setyembre ay pumalo ngayon sa P200/kilo.

Ang karne naman ng baboy ay tumaas ng 13-15 porsiyento per kilo. Manok ay tumaas ng P10 kada kilo o P140/kilo mula sa dating P130.

Ang mga isda naman gaya ng galunggong ay naging P200/kilo mula sa dating P160.

The post Presyo ng bigas, karne, gulay sa Metro sumirit first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *