Preso patay sa pneumonia, TB

Abante-patay

Patay ang isang detainee na miyembro ng Bahala na Gang matapos na lumala ang sakit na pneumonia at tuberculosis habang nakakulong sa detention cell ng Manila Police District-Police Station 1, kamakalawa nang gabi sa Tondo,Maynila.

The post Preso patay sa pneumonia, TB appeared first on Abante News Online.

preso patay sa pneumonia tb - Preso patay sa pneumonia, TB
Abante patay - Preso patay sa pneumonia, TB

Patay ang isang detainee na miyembro ng Bahala na Gang matapos na lumala ang sakit na pneumonia at tuberculosis habang nakakulong sa detention cell ng Manila Police District-Police Station 1, kamakalawa nang gabi sa Tondo,Maynila.

Ayon kay PMSg. Jansen Rey San Pedro,imbestigador ng Manila Police District-homicide section, isang araw pa na na-confine sa Tondo Medical Center, ang biktimang si Isagani Bautista, 45-anyos, at huling nakatira sa 289 Alcalde St. Tondo, Maynila matapos na magreklamo ng paninikip ng dibdib.

Dakong alas-siyete nang gabi ng ideklarang patay ng mga doktor ang biktima, matapos na isugod ng mga jailer ng MPD-PS 1 makaraang magreklamo ng paninikip ng dibdib.

Ang biktima ay unang inaresto noong Hunyo 12 ng mga tauhan ng MPD-PS1 sa may Mata St. Tondo,Maynila dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Preso patay sa pneumonia, TB appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *