Preso nang-agaw ng manibela, patay

NASAWI ang isang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) detainee habang sugatan ang tatlong agent matapos bumaliktad ang sinasakyan ng mga ito sa South Luzon Expressway kamakalawa nang umaga.

The post Preso nang-agaw ng manibela, patay appeared first on Abante News Online.

preso nang agaw ng manibela patay - Preso nang-agaw ng manibela, patay
abante patay - Preso nang-agaw ng manibela, patay

By Ronilo Dagos

NASAWI ang isang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) detainee habang sugatan ang tatlong agent matapos bumaliktad ang sinasakyan ng mga ito sa South Luzon Expressway kamakalawa nang umaga.

Batay sa report ng PRO Calabarzon, nagkagulo sa loob ng sasakyan matapos agawin ng detainee ang manibela sa nagmamanehong operatiba dakong alas-9:12 nang umaga.

Kinilala ang nasa­wing detainee na si Gerry del Rosario, na naaresto sa Antipolo City dahil sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Sugatan naman ang mga agent na sina Deo Tabor, na siyang nagmamaneho, Rey Ricohermoso at Rodrigo Ramirez, pawang miyembro ng PDEA-Antipolo Provincial Office.

Sugatan din ang isa pang detainee na asawa ng nasawi na si Catherine Del Rosario na kasama rin sa sasakyan.

Patungo sa PDEA Regional office sa Calamba City ang grupo sakay ng kotseng Toyota Camry mula sa Antipolo City nang habang nasa bahagi ng SLEX Carmona ay nang agawin ng suspek ang manibela.

Nawala sa kontrol ang sasakyan at bumangga muna sa kongkretong pader sa gilid ng expressway bago bumaligtad.

Idineklarang dead on-the-spot ang suspek habang agad ding isinugod sa ospital ang apat.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa pangyayari.

The post Preso nang-agaw ng manibela, patay appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *