Preso nagbigti gamit ang sintas ng sapatos

Dahil umano sa sobrang kahihiyan ay winakasan ng isang traysikel drayber ang kanyang buhay sa loob ng kulu­ngan sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili matapos na mahuli ito sa kasong pangmomolestiya sa isang menor de edad Sabado nang umaga sa Calapan City, Oriental Mindoro.

preso nagbigti gamit ang sintas ng sapatos - Preso nagbigti gamit ang sintas ng sapatos
shoelace - Preso nagbigti gamit ang sintas ng sapatos

Dahil umano sa sobrang kahihiyan ay winakasan ng isang traysikel drayber ang kanyang buhay sa loob ng kulu­ngan sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili matapos na mahuli ito sa kasong pangmomolestiya sa isang menor de edad Sabado nang umaga sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Itinago na lang ang biktima sa alyas na Romy, 52-anyos, na natagpuang wala nang buhay dakong alas-6:16 nang umaga sa loob ng detention cell ng Criminal Investigation and Detection Group-Regional Force Unit (CIDG-RFU) 4B sa Barangay Suqui ng nabatid na lungsod.

Napag-alaman na gamit ang sintas ng sapatos na pinagdugtong at itinali sa kanyang leeg at ang kabilang dulo ay ipinulupot sa rehas na bakal ay nakuhang magbigti ni Rivera dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Lumalabas sa ulat na dinakip si Rivera sa kasong Sexual Assault in Relation to Republic Act No. 7610 Biyernes nang gabi.

Hindi naman sinabi sa report kung sino ang minolestiya nito.

(Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *