Presinto sa Samar inatake ng 50 NPA; 3 patay

SA kabila ng pagiging dehado sa labanan ay boung giting na ipinagtanggol ng 15 pulis ang kanilang istasyon matapos itong atakihin ng tinatayang 50 mi­yembro ng New People’s Army (NPA) kahapon nang madaling-araw sa Northern Samar.

The post Presinto sa Samar inatake ng 50 NPA; 3 patay appeared first on Abante News Online.

presinto sa samar inatake ng 50 npa 3 patay - Presinto sa Samar inatake ng 50 NPA; 3 patay
npa1 1 - Presinto sa Samar inatake ng 50 NPA; 3 patay

SA kabila ng pagiging dehado sa labanan ay boung giting na ipinagtanggol ng 15 pulis ang kanilang istasyon matapos itong atakihin ng tinatayang 50 mi­yembro ng New People’s Army (NPA) kahapon nang madaling-araw sa Northern Samar.

Napatay ng mga miyembro ng Victoria Municipal Police Station (MPS) ang tatlong rebelde, habang isa pa ang kanilang naaresto.

Dalawa naman ang sugatang pulis na nakilalang sina P/MSG Arturo Gordo Jr. na tinamaan ng shrapnel habang sa mukha naman nahagip ng shrapnel si P/MSG Arnold Cabacang.

Sa report na nakara­ting sa Camp Crame, sinalakay ng mga armadong rebeldeng NPA ang Victoria MPS sa Nor­thern Samar ganap na alas-3:30 nang madaling-araw kung saan nangyari ang engkuwentro. (Edwin Balasa)

The post Presinto sa Samar inatake ng 50 NPA; 3 patay appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *