Precious nagpakain ng alikabok sa QC survey

Pinakain ni leading Quezon City councilor Precious Hipolito Castelo ng alikabok ang kanyang mga kalaban sa district 2 congressional race, ayon sa pinakahuling survey.

The post Precious nagpakain ng alikabok sa QC survey appeared first on Abante News Online.

precious nagpakain ng alikabok sa qc survey - Precious nagpakain ng alikabok sa QC survey
precious - Precious nagpakain ng alikabok sa QC survey

Pinakain ni leading Quezon City councilor Precious Hipolito Castelo ng alikabok ang kanyang mga kalaban sa district 2 congressional race, ayon sa pinakahuling survey.

Base sa survey ng The Probe para sa petsang Pebrero 9-15 ngayong taon, umiskor si Precious ng 66.7 percent para iwanan ang pinakamalapit niyang kalaban na si Dante Liban na may 24.3 percent.

Si Annie Susano naman ay umani lang 9.7 percent.

Kung kada barangay naman, nanguna pa rin si Precious gamit ang malaking lamang. Tambak kay Precious ang kanyang mga kalaban sa mga barangay ng Holy Spirit, Batasan Hills, Commonwealth, Bagong Silangan at Payatas kung saan nakakuha siya ng preference rate na 91.5%, 77.8%, 71.1%, 41.4%  at 33.3%.

Malayo ang mga numero kung ikukumpara sa score ni Liban: Holy Spirit (6.4%), Batasan Hills (14.8), Commonwealth (21.7%) and Bagong Silangan (27.6%). Pero nasilat ni Liban kay Precious ang Payatas sa score na 53.3%.

Mas mababa naman ang score ni Susano na kumuha lamang ng  2.1%, 6.2%, 7.2% and 13.3% para sa  Holy Spirit, Batasan Hills, CommonWealth at Payatas. Mas mataas ang score ni Susano kay Liban sa Bagong Silangan na uma­bot sa 31 percent.

Samantala, tinukoy naman ng mga observer ang mga pro-poor program ni Precious sa housing, education, livelihood, women’s welfare at youth bilang dahilan ng kanyang mataas na rating sa survey. 

The post Precious nagpakain ng alikabok sa QC survey appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *