PR bagman sinanla Ferarri sa casino

Dahil laway lang ang puhunan sa pagnenegosyo, parang tubig din sa gripo kung magwaldas ng pera ang isang PR bagman sa mga casino.

The post PR bagman sinanla Ferarri sa casino first appeared on Abante.

pr bagman sinanla ferarri sa casino - PR bagman sinanla Ferarri sa casino
Abante Kartada 8 - PR bagman sinanla Ferarri sa casino

Dahil laway lang ang puhunan sa pagnenegosyo, parang tubig din sa gripo kung magwaldas ng pera ang isang PR bagman sa mga casino.

Sa report nakarating kay Mang Teban, natalo ng ilang milyon sa casino si PR bagman dahil sa walang humpay at magdamagang na pagsusugal.

Milyones ang bitbit ni PR man bagman ng pumasok sa casino at sa pagkakataong ito, minalas sa pagsusugal kung saan naubos ang puhunan sa loob ng ilang oras na paglalaro, kasama ang piling kaibigan.

Nang walang mailabas na pera at puhunan sa patuloy na pagka-casino ay ginawang kolateral ni PR bagman ang dalang kotse nito na isang Ferrari na tinatatayang nagkahalaga ng P10 milyon hanggang P15 milyon.

Dahil hindi naman kilala sa sirkulo ng mga manunugal si PR bagman, unang tinanggihan ng kalaro ang alok na gawing kolateral ang Ferrari sa pag-aakalang hindi nito pag-aari ang mamahaling kotse.

Mukhang tambay sa kanto si PR bagman kapag tinanggalan ng mamahaling damit at alahas sa katawan dahil mismong hitsura nito’y patawa kapag titingnan.

Napaniwala lamang ang kasugalan sa casino matapos mag-call a friend at ipakausap ni PR bagman sa isang maimpluwensiyang tao na kakilala ng kasama nito sa table.

Wala sa hitsura ni PR bagman ang pagiging milyonaryo lalo pat walang lehitimong negosyo ng magsimula ito, as in isang simpleng alalay lamang ng mga kilalang tao sa lipunan.

Nagkapera lamang si PR bagman matapos umastang linya at dikitan ang mga maimpluwensiyang nilalang sa Pilipinas, mapa-politika, showbiz at business sector.

Naging raket ni PR bagman ang umaktong alalay sa lahat ng mga kilalang politiko, artista at negosyante para makalibre sa mga biyahe sa abroad na nagsilbing susi para yumaman hanggang nauwi sa pagiging bagman ito.

Pintahan nyo na: Madaling makilala si PR bagman dahil palaging kasama sa photo ops kahit wala naman kinalaman sa event ito. Pinakamadalas sumingit sa loob ng eroplano. Meron letrang C as in Casino.

The post PR bagman sinanla Ferarri sa casino first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *