Power crisis inimbento ng Meralco-MVP

GAWA-GAWA lamang ng Manila Electric Co. (Meralco) ang sinasabing krisis sa suplay ng kur­yente.

The post Power crisis inimbento ng Meralco-MVP appeared first on Abante News Online.

power crisis inimbento ng meralco mvp - Power crisis inimbento ng Meralco-MVP
Abante Power Villar Siquijor Island Power Corp - Power crisis inimbento ng Meralco-MVP

Ito ang naging paratang ni se­natorial candidate at dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares.

Ayon kay Colmenares, manipis lang ang suplay ng kuryente at normal lang ito tuwing summer.

Noong 2018 aniya, umabot sa 12,562MW ang suplay ng kur­yente pero 10,497MW lang ang demand. Pero ang nakapagtataka ay nagtaas pa rin ang presyo ng kuryente.

Kaya lang umano lumala ang problema ngayon ay dahil sa maling forecast ng Meralco at sa atrasadong interconnection sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Maging ang Department of E­nergy (DOE), nanindigan na walang krisis sa suplay ng kuryente.

Nitong nagdaang araw ay nagsalita si Meralco Chairman Manny V. Pangilinan na maiiwasan sana ang power crisis kung pinayagan na ang Energy Regulatory Commission (ERC) ang operasyon ng mga bagong power plant sa bansa.

Ang Meralco ay may pitong power supply agreement (PSA) sa mga plantang pag-aari din ng kompanya pero ang paglusaw ng kontrata ay pinetisyon sa Supreme Court (SC).

Sinisi pa ni Pangilinan ang SC kaya patuloy na nararanasan ang kakapusan ng suplay ng kur­yente sa bansa.

“Is Meralco expecting a favo­rable decision from the Supreme Court in the coming weeks?” bahagi ng presentasyon ni Colmenares sa hearing.

Sinabi pa ng senatorial candidate na marapat lamang imbestigahan ng Senado ang dahilan ng mga pu­malyang power plant na nagresulta sa pagnipis ng suplay ng kuryente.

Wala pang pahayag ang Meralco sa naging akusasyon ni Colmenares na inimbento lamang ang power crisis.

Ayon kay Sen. Sherwin Gatcha­lian, chairman ng komite, imomonitor nila ngayong summer ang sitwasyon ng power supply at pagkatapos nito ay gagawa na siya ng report hinggil sa usapin ng power outages.

The post Power crisis inimbento ng Meralco-MVP appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *