Port of Manila lumuwag sa pagtanggal ng mga babad na container

Nag-uumpisa nang umayos ang takbo ng operasyon sa Port of Manila matapos matanggal ang maraming overstaying na container sa yard.

The post Port of Manila lumuwag sa pagtanggal ng mga babad na container appeared first on Abante News Online.

port of manila lumuwag sa pagtanggal ng mga babad na container - Port of Manila lumuwag sa pagtanggal ng mga babad na container
politiko zambo - Port of Manila lumuwag sa pagtanggal ng mga babad na container

Nag-uumpisa nang umayos ang takbo ng operasyon sa Port of Manila matapos matanggal ang maraming overstaying na container sa yard.

Ayon sa Philippine News Agency, lumuwang at guminhawa sa Port of Manila nang tanggalin ang mga overstaying container na sanhi ng maraming problema.

Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), bumaba na ang yard utilization rate sa Port of Manila sa 70% samantalang uma­bot pa ito sa 95% nu’ng Enero.

Pinakikita sa yard utilization rate kung gaano kapuno ang maitutu­ring na parking para sa containers. Pag mas mataas ito, ibig sabihin ay mas puno at mas mahirap isalansan ang containers.

“Port efficiency is at its highes­t as the yard utilization rate continues to drop while the ave­rage crane moves per hour is 22 movesor higher with average vessel turnaround time at 20 hours or less. This suggests that port declogging efforts are paying off,” sabi ng PPA.

Nitong Marso lang, pumirma na kasunduan ang PPA kasama ang Department of Transportation (DOTr), Department of Trade and Industry (DTI), Bureau of Customs (BOC), at private port operators para pagandahin ang takbo ng ope­rations at pataasin ang efficiency ng kanilang facilities. Tinaningan din ang pagtambay ng containers sa terminals ng 30 araw lamang at ilipat ang mga ito sa container yard ng operators pagkalampas ng 30 na araw.

“The three Manila ports: Manila International Container Terminal, Manila South Harbor and Manila South Harbor are ope­rating under optimal conditions even prior to the signing of the agreement due to measures put into place by the PPA. However, the signing of the agreement involving all parties facilitated the decongestion efforts,” sabi ng PPA.

Ayon sa BOC, malaki ang naitulong ng pakikipag-ugnayan ng mga port operator sa isa’t isa sa pagpapaluwang sa Port of Manila.

Ang Asian Terminal Inc. (ATI) ang nagpapatakbo sa South Harbor samantalang ang Internationa­l Container Terminal Services Inc (ICTSI) naman ang nagpapatakbo ng Manila International Container Port (MICP).

Ayon sa PNA, pinadadala ang mga overstaying container sa ATI yard sa Sta.

Clara, Batangas samantalang ang mga overstaying sa MICP ay pinadadala naman sa Laguna Gateway Inland Terminal para lumuwang ang daungan sa Maynila.

Nitong Abril, humigit kumulang 400 containers ang inilipat sa Sta. Clara habang patuloy pa rin ang pagtanggal sa mga overstaying container. (Eileen Mencias)

The post Port of Manila lumuwag sa pagtanggal ng mga babad na container appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *