Pork sa 2020 budget tataktakin ni Lacson

BAGAMA’T mahirap, determinado si Senador Panfilo Lacson na hanapin ang mga pork barrel insertion sa panukalang P4.1 trilyong budget para sa taong 2020.

pork sa 2020 budget tataktakin ni lacson - Pork sa 2020 budget tataktakin ni Lacson
SenatorPingLacson 1 - Pork sa 2020 budget tataktakin ni Lacson

BAGAMA’T mahirap, determinado si Senador Panfilo Lacson na hanapin ang mga pork barrel insertion sa panukalang P4.1 trilyong budget para sa taong 2020.

“Mahirap hanapin ‘yan. Talagang pagpupuyatan ‘yan. Aabot kami ng 2-3 a.m. ‘pag budget deliberation at laging may nakikita,” pahayag ni Lacson sa panayam sa DZMM kahapon.

Ayon pa kay Lacson, kahit National Expenditure Program (NEP) ay hindi umano perpek­to kaya’t kailangan nitong himaying mabuti ang House-approved na General Appropriations Bill para sa taong 2020 sa Senado.

“Maski NEP ‘di rin perpekto. Tulad noong nagkaroon ng pagdinig sa DPWH may natuklasan kaming proyektong nag-overlap. 2 proyek’ ‘to bakit may 300 li­near meters malaki ang halaga, P11.5M na ‘di binawas sa cost ng project pero 1x lang ginawa ang overlap. Ibig sabihin ginastos pa rin,” ani Lacson.

“Walang perpektong dokumento, maski NEP sumailalim sa pag-aral ng member ng Cabinet. Sa HOR marami sila nag-scrutinize din. Tingnan natin,” dagdag pa nito.

“Pero sabi ko nga ‘pag wala kaming nakita at makikita namin kung meron, sabi ko nga masaya tayong lahat na Pilipino kasi dagdag tayo nang dagdag ng buwis tapos nakikita natin ‘di nagagamit ang pondo ng bayan, ang national budget, para sa dapat paggamitan.”

Subalit gaano man kahirap ang pagha­hanap, madali naman umanong makita ang diperensiya kapag ikinumpra ang HOR version sa NEP.

“Makikita at makikita kasi may pagkum­parahan tayo, meron tayong NEP. I-juxtapose mo sa HOR version kita agad ang diprensya,” sabi ni Lacson.
“Mahirap lang talaga iisa-isahin mo ‘yan. Pero dahil matagal nang ginagawa ng staff ko ito, alam na rin nila. May sistema na kung paano maghanap,” dagdag pa nito.

Pero kung wala umanong makitang pork insertion sa national budget, siya na umano ang pinakamasayang tao sa Pilipinas.

“Meron silang announcement na P9.5B lang realigned. Alam mo siguro wala nang pinakamasayang tao sa Pilipinas kundi ako kung mawala ang pork barrel kasi napaka… kilala tayo,” ani Lacson. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *