Polusyon sanhi ng Manila Bay fish kill

ANG polusyon sa Manila Bay ang sanhi ng fish kill sa Las Piñas at Parañaque, ayon sa isang opisyal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resource (BFAR) nitong Sabado.

polusyon sanhi ng manila bay fish kill - Polusyon sanhi ng Manila Bay fish kill
fish kill abante - Polusyon sanhi ng Manila Bay fish kill

ANG polusyon sa Manila Bay ang sanhi ng fish kill sa Las Piñas at Parañaque, ayon sa isang opisyal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resource (BFAR) nitong Sabado.

Ayon kay BFAR Calabarzon Regional Director Sammy Malvas, sa ginawang pagsusuri ng kalidad ng tubig sa naturang lugar ay mababa ang lebel ng dissolved oxygen at mataas naman ang lebel ng ammonia at phosphates.

Ang ammonia ay kemikal na nalilikha sa pagkabulok ng mga bagay tulad ng halaman, hayop at dumi ng hayop. Ang phosphate ay maaaring nanggaling naman sa domestic se­wage.

Subalit ang ammonia na nakita nila sa sample ay maaaring galing sa “agricultural, domestic and industrial wastes”.

“Kailangan lang sigurong tukuyin kung saan nanggaling ang pollution. Palagi nga naming sinasabi na dapat panatilihing malinis ang tubig para ma-sustain ang life sa dagat,” ayon kay Malvas.

Nauna nang itinanggi ng BFAR na ang higit isang toneladang isdang namatay ay dahil sa paggamit ng dina­mita sa Manila Bay.

Nakikipag-ugnayan na ang BFAR sa Pamahalaang Lokal ng Las Piñas at Parañaque para sa maayos na pag­lilibing ng mga patay na isda upang masigurong hindi ito ibebenta sa palengke.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *