Politiko wagi ng ₱1M sa pustahan

NANALO raw ng isang milyong piso sa pustahan sa larong basketball ang kilalang politiko sa bansa.

politiko wagi ng e282b11m sa pustahan - Politiko wagi ng ₱1M sa pustahan
kartada11 14 - Politiko wagi ng ₱1M sa pustahan

NANALO raw ng isang milyong piso sa pustahan sa larong basketball ang kilalang politiko sa bansa.

Sa ibinatong impormasyon kay Mang Teban, pumusta raw ang politiko sa kulelat na team o dehado sa laban.

Sa naturang laro, parang lantang gulay daw ang mga manlalaro ng liyamadong team, habang parang may Lebron James at Steph Curry naman ang kamoteng team.

Marami tuloy ang nagduda kung hulog ang laro dahil sa natalo ang liyamadong koponan.

Matapos ang laro, abot hanggang tenga ang ngiti ng politiko, aba’y isang milyong piso daw kasi ang panalo nito sa pustahan.

Pintahan n’yo na. Ang politikong nanalo ng isang milyong piso sa pustahan ay may letrang S sa kanyang pangalan, as in Sports.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *