Politiko namudmod ng tig-10M sa mga yorme

MINSAN pang pinatunayan ng isang politiko ang kanyang katalinuhan para maengganyo ang mga lokal na opisyal ng gobyerno na suportahan ang kanyang kandidatura noong nakaraang halalan.

politiko namudmod ng tig 10m sa mga yorme - Politiko namudmod ng tig-10M sa mga yorme
1 8 - Politiko namudmod ng tig-10M sa mga yorme

MINSAN pang pinatunayan ng isang politiko ang kanyang katalinuhan para maengganyo ang mga lokal na opisyal ng gobyerno na suportahan ang kanyang kandidatura noong nakaraang halalan.

Sa impormasyong nakalap ni Mang Teban, nangako daw ang politiko sa mga alkalde na bibigyan niya ito ng P10 milyong halaga ng proyekto kapag siya ay nanalo sa halalan.

Hindi man cash ang kanyang pangako, makakakuha naman ng kickback ang mga lokal na opisyal mula sa proyektong ibibigay sa kanila ng politiko.

Ewan lang kung nagsagawa siya ng research pero alam niyang ang mga yorme lamang daw ang makapagbibigay ng malaking boto sa kanya kaya dito siya namudmod ng proyekto.

Nganga tuloy ang mga congressman at mga gobernador dahil wala umanong nakuhang proyekto mula sa politiko.

Pintahan niyo na. Ang politiko na namudmod ng tig-P10 milyong proyekto sa mga yorme ay makulay kung manamit at hindi rin kagandahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *