Politiko nagkuripot, SUV dinispatsa

KUNG dati ay umuulan ang grasya sa isang politiko, nga­yon ay nabibilang na sa daliri ang nakukuhang kickback sa proyekto.

politiko nagkuripot suv dinispatsa - Politiko nagkuripot, SUV dinispatsa
kartada11 13 - Politiko nagkuripot, SUV dinispatsa

KUNG dati ay umuulan ang grasya sa isang politiko, nga­yon ay nabibilang na sa daliri ang nakukuhang kickback sa proyekto.

Ang resulta nito: nagtitipid na raw sa gastos ang politiko at isa sa naging hakbang ay idispatsa ang mga sasakyang malakas kumonsumo ng gasolina.

Kabilang sa binenta ng politiko ay ang dalawang mamahaling SUV na laging uhaw sa gasolina kapag tumatakbo.

Ang kanyang pinalit, isang van na kakasya hindi lang sa politiko kundi sa iba pa niyang staff sa opisina.

Bihira na rin mag-abroad ang politiko bilang bahagi ng kanyang pagtitipid sa panahon ng tagtuyot sa grasya.

Pintahan niyo na. Matanda na ang politiko at wala nang buhay ang sex life. May letrang O sa kanyang pangalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *