Political ceasefire hirit sa Semana Santa

NANAWAGAN ang isang kandidato sa pagka-senador sa lahat ng mga magkakalabang politiko na pairalin muna ang isang ‘political ceasefire’ sa nalalapit na paggunita ng Semana Santa o Holy Week.

The post Political ceasefire hirit sa Semana Santa appeared first on Abante News Online.

political ceasefire hirit sa semana santa - Political ceasefire hirit sa Semana Santa
cease fire - Political ceasefire hirit sa Semana Santa

NANAWAGAN ang isang kandidato sa pagka-senador sa lahat ng mga magkakalabang politiko na pairalin muna ang isang ‘political ceasefire’ sa nalalapit na paggunita ng Semana Santa o Holy Week.

Ayon kay Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, makabubuting itigil na muna ang mga alitan at batikusan ng magkakalabang politiko sa panahon ng kampanya para higit na makapagnilay ang bawat isa bilang mga Kristiyanong naniniwala kay Hesukristo.

“Siguro naman hindi kabawasan sa ating lahat na kahit sandali ay makapagnilay tayo lalu na ngayong Holy Week. Magkaisa tayo at kilalanin ang paghihirap ni Hesukristo,” paliwanag ni Marcos.

 Ang panawagan ni Marcos ay bunsod na rin ng tumitinding tensyon bunga ng nakatakdang halalan lalu na sa mga lalawigan kung saan mahigpit ang labanan ng mga magkakalabang kandidato.

Idinagdag pa niya na ang anumang uri ng karahasan ay hindi mangyayari sa panahon ng eleksyon kung ang bawat magkakalabang politiko ay magkakaisa bilang mga Kristiyano at isasabuhay ang paghihirap ni Hesukristo ngayong Semana Santa.

The post Political ceasefire hirit sa Semana Santa appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *