Police power sa mga freeport imbestigahan — Albayalde

IPINAG-UTOS ni Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde ang agarang pagsusuri sa mandato ng pulisya sa mga freeport zone sa bansa kung may karapatan ang mga ito na magkaroon ng baril tulad ng mga miyembro ng PNP.

The post Police power sa mga freeport imbestigahan — Albayalde appeared first on Abante News Online.

police power sa mga freeport imbestigahan albayalde - Police power sa mga freeport imbestigahan — Albayalde
oscar 2 - Police power sa mga freeport imbestigahan — Albayalde

IPINAG-UTOS ni Philippine National Police (PNP) Director General Oscar Albayalde ang agarang pagsusuri sa mandato ng pulisya sa mga freeport zone sa bansa kung may karapatan ang mga ito na magkaroon ng baril tulad ng mga miyembro ng PNP.

Sa kanyang pagbisita sa Police Regional Office 3 sa Pampanga, sinabi ni Albayalde sa isang press briefing na patitingnan niya sa PNP Civil Security Group at PNP Firearms and Explosives Office kung authorized at licensed ang baril ng mga pulis sa loob ng freeport zone tulad sa Clark, Pampanga at Subic, Zambales.

“We will check their mandate and on what extent their police power is inside the freeport zones in the country,” ayon kay Albayalde.

Ginawa ni Albayalde ang pahayag matapos ang insidente sa loob ng Clark Freeport Zone noong Martes kung saan ay pinagmumura at minaltrato ni retired Police General Romeo Ver, manager ng Public Safety Department ng Clark Development Corporation, ang kanyang anak na lalaki sa isang simpleng traffic violation lamang. (Rudy Abular)

The post Police power sa mga freeport imbestigahan — Albayalde appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *