POGO operator, magbayad kayo ng buwis

HINIMOK ni ­ACT-CIS Rep. Eric Yap ang ­lahat ng ­nagpapatakbo ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa na magbayad ng buwis sa pamahalaan.

pogo operator magbayad kayo ng buwis - POGO operator, magbayad kayo ng buwis
Abante Tonite 2019 POGO - POGO operator, magbayad kayo ng buwis

HINIMOK ni ­ACT-CIS Rep. Eric Yap ang ­lahat ng ­nagpapatakbo ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa na magbayad ng buwis sa pamahalaan.

Ginawa ni Yap ang pahayag makaraang ipasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isang online gaming establishment sa Quezon City kamakailan.

Sinabi ni Yap, okay lang na magnegosyo ang mga dayuhan sa bansa pero dapat ay sumunod sila sa umiiral na batas sa Pilipinas.

Aniya, kung hindi sila magbabayad ng ­buwis at tatakasan lang nila ang kanilang ­obligasyon ay hindi siya mangingiming irekomenda na ipasara ang mga POGO sa bansa.

Samantala, ­kinastigo naman ni ACT-CIS 3rd Rep. Nina Taduran, ang isang Brgy. Official sa Plaridel Bulacan dahil sa ginawa nitong pambabastos at pagbabanta sa mga mamamahayag na kumokober ng ­African Swine Fever sa kanilang lugar.

Sinabi ni Taduran, grave threat ang ginawa ng opisyal ng barangay at walang puwang sa “government service” ang katulad niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *