POGO ban ni Xi dedma si Duterte

DINEDMA lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hirit ni Chinese President Xi Jinping na ipatigil ang ope­rasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

pogo ban ni xi dedma si duterte - POGO ban ni Xi dedma si Duterte
Abante Tonite 2019 POGO - POGO ban ni Xi dedma si Duterte

DINEDMA lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hirit ni Chinese President Xi Jinping na ipatigil ang ope­rasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Sa harap na rin ito ng pagkakasangkot ng ilang Chinese nationals sa krimen tulad ng kidnapping at murder sa kapwa nila kababayan na nalulong sa sugal online, pati na ang pagdagsa ng illegal Chinese workers sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ipinahayag ni President Xi kay Pangulong Duterte sa kanilang bilateral meeting ang naging aksiyon ng gobyerno na pagsuspinde ng Philippine Amusement and Ga­ming Corporation (Pagcor) sa mga aplikasyon sa POGO, subalit mas matutuwa aniya ang China kung tuluyang ipatigil ang mga ito.

“He (Xi) expressed appreciation for what we did in suspending new applicants but he said they will appreciate more if POGO will be eliminated or stopped,” ani Panelo.

Gayunman, tila wala aniyang nari­nig si Pangulong Duterte at wala itong naging tugon sa hirit ni President Xi.

“The President didn’t respond to that. Did not. Wala siyang nabanggit,” dagdag ni Panelo.

Ipinaliwanag aniya ng Chinese President na iligal sa China ang sugal at karamihan sa mga nagsusugal sa POGO operation ay mga kababayan niya at bukod sa krimeng may kinalaman sa sugal ay may kasama pang money laundering.

Gayunman, walang naging positibong tugon si Pangulong Duterte patungkol sa POGO.

Matatandaang tinabla ni President Xi ang pangunahing isyu sa misyon ni Pangulong Duterte sa kanyang workin­g visit sa China matapos magmatigas na hindi kilalanin ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration na ang Pilipinas ang tunay na may karapatan sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Sa talumpati naman ni Pangulong Duterte sa business community, nanawagan ito sa Chinese government na tulungan siya sa problema ng kidnapping sa Pilipinas na kinasasangkutan ng kanilang mamamayan.

Sinabi ng Pangulo na mara­ming Chinese ang nagpapautang sa kanilang kababayan para magsugal subalit kapag hindi nakabayad ay dinudukot at kung minsan ay pinapatay pa.

Nagbabala din ang Pangulo na hindi niya papayagang sirain ng mga drug lord ang Pilipinas kahit na nanggaling ang mga ito sa China.

“I have asked you government to help us on this. But for those who are into drugs, the drug lords and those who are into this kind of thing of kil­ling people for money, you know when yo do that, you destroy my country and you destroy the economic life and eventually destroy what is there for the people to lose everything, and we go back again to misery,” diin ni Duterte. (Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *