Poe sa DOH, FDA: Red tape titigok sa atin ‘di virus

Hiniling ni Senadora Grace Poe sa Department of Health (DOH) at sa Food and Drug Administration (FDA) na bilisan ang proseso ng emergency use authorization (EUA) application sa COVID-19 vaccine para mawala ang hinala na naghihintay lang ang mga opisyal ng ‘grease money’ para agad itong maamprubahan.

The post Poe sa DOH, FDA: Red tape titigok sa atin ‘di virus first appeared on Abante.

poe sa doh fda red tape titigok sa atin di virus - Poe sa DOH, FDA: Red tape titigok sa atin ‘di virus
abante grace poe - Poe sa DOH, FDA: Red tape titigok sa atin ‘di virus

Hiniling ni Senadora Grace Poe sa Department of Health (DOH) at sa Food and Drug Administration (FDA) na bilisan ang proseso ng emergency use authorization (EUA) application sa COVID-19 vaccine para mawala ang hinala na naghihintay lang ang mga opisyal ng ‘grease money’ para agad itong maamprubahan.

“If the virus won’t kill us, then red tape and slow government action surely will,” pahayag ni Poe.

Sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole, sinabi ni FDA director general Eric Domingo na kukumpletuhin nila ang prosseo ng EUA application ng Pfizer ngayong linggo habang ang AstraZeneca ay susunod namang linggo. Ang proseso ng application ay inaabot ng 21 araw.

“The process can be shortened,” sabi ni Poe. “Para mawala ang mga haka-haka ng ating mga kababayan na siguro naghihintay ng kickback ang DOH kaya hindi agad nabibigyan ng permit. It may be an unfair assessment but would you blame them with the track record the DOH has.”

Bagama’t krusyal ang proseso lalo na kung ang record sa trial ng bakuna ay hindi transparent at ang regulator sa home country ng pharmaceutical company at hindi naman credible, sinabi ni Poe na dapat namang madaliin ng FDA ang mga kompanya at mga bansang may magandang track record.

“These companies have gone through a rigorous process of testing in countries with reputable testing facilities tapos pagdating sa atin ganito. Alam na nga nating national emergency, we cannot even fast track something like this,” sabi ni Poe.

Mahalaga aniya para sa gobyerno na maging transparent sa pagbili ng bakuna at kuwentahin ang bawat pisong ginagastos para dito. (Dindo Matining)

The post Poe sa DOH, FDA: Red tape titigok sa atin ‘di virus first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *