PNU bayanihan sa mga walang pang-online class

Nagtutulong ang ilang mag-aaral sa Philippine Normal University (PNU) upang mangalap ng pondo para sa mga kaklase nilang hindi makadalo sa online class dahil sa kakapusan ng pera para sa gadget o internet data.

The post PNU bayanihan sa mga walang pang-online class first appeared on Abante.

pnu bayanihan sa mga walang pang online class - PNU bayanihan sa mga walang pang-online class
pnu - PNU bayanihan sa mga walang pang-online class

Nagtutulong ang ilang mag-aaral sa Philippine Normal University (PNU) upang mangalap ng pondo para sa mga kaklase nilang hindi makadalo sa online class dahil sa kakapusan ng pera para sa gadget o internet data.

Sa kanilang pagmamalasakit, nilunsad ng OBTEC I-9 mula sa PNU ang proyektong ‘NuebHiE Para Kay bHiE’ upang punan umano ang pangangailangan ng mga mag-aaral mula sa kanilang seksyon ngayong sinasagawa ang bagong paraan ng pag-aaral.

Batay sa Facebook page ng kanilang proyekto, sa nuebe pesos na ibibigay bilang donasyon mag-aalay sila ng token bilang pasasalamat, halimbawa ay calligraphy art, tula, o sketch. Maaari na rin umanong maabot ng munting tulong ang pagkakaron ng load para sa mga mag-aaral na umaasa lang sa mobile data, gayundin ang pagbili ng mga gadget para naman sa mga wala nito at kailangan sa pag-aaral.

Sa nais na magbigay ng donasyon, maaaring bisitahin ang social media page ng grupo para sa detalye.

The post PNU bayanihan sa mga walang pang-online class first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *