PNPA topnotcher naitaguyod ng inang sitsirya vendor

HINDI hadlang ang kahirapan para makamit ang tagumpay.

The post PNPA topnotcher naitaguyod ng inang sitsirya vendor appeared first on Abante News Online.

pnpa topnotcher naitaguyod ng inang sitsirya vendor - PNPA topnotcher naitaguyod ng inang sitsirya vendor
PNPA 1 - PNPA topnotcher naitaguyod ng inang sitsirya vendor

HINDI hadlang ang kahirapan para makamit ang tagumpay.

Ito ang pinatunayan ng isang mahirap na lalaking na naging topnotcher sa mga nagtapos sa Philippine Nationa­l Police Academy (PNPA) 2019.

Kinilala ang kadete na si Jervis Allen Ramos na lumaki sa Tondo, Maynila.

Mag-isang itinaguyod ng hindi na pinangalanang ina si Jervis sa pamamagitan ng paglalako ng mga sitsirya matapos na mamatay ang kanilang ama dahil sa liver disease.

Gayunman ay hindi nasira ang loob ni Jervis sa kanilang kalagayan at nagawang magtapos ng kanyang pag-aaral na may karangalang hatid sa kanilang pamilya.

Tumanggap din ng papuri mula mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte si Jervis na isang batang Tondo dahil sa pangunguna sa Sansiklab Class of 2019.

The post PNPA topnotcher naitaguyod ng inang sitsirya vendor appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *