PNPA cadet naospital dahil sa ‘hazing’

ISINUGOD sa pagamutan ang isang kadete ng philippine national police academy (pnpa) sa silang, cavite dahil umano sa panakit ng tiyan nito makaraang dumaan sa hinihinalang hazing.

pnpa cadet naospital dahil sa hazing - PNPA cadet naospital dahil sa ‘hazing’
Abante hazing - PNPA cadet naospital dahil sa ‘hazing’

ISINUGOD sa pagamutan ang isang kadete ng philippine national police academy (pnpa) sa silang, cavite dahil umano sa panakit ng tiyan nito makaraang dumaan sa hinihinalang hazing.

sinabi ni pnpa Public Information Office Chief Police Lt. Col. Byron Allatog na inireklamo ni Cadet 4th class John Desiderio ang pananakit nito ng tiyan noong Martes ng umaga.

Agad dinala si Desiderio sa dispensary pero dahil sa rekomendasyon ng doktor ay inilipat sa pnp General Hospital sa Camp Crame, Quezon City at sa huli ay inilipat naman sa East Avenue Hospital.

Dumaan umano si Desiderio sa operasyon at ngayon ay nasa maayos nang kalagayan.

Posible umano na isang kaso ito ng pang-aabuso o pangmamaltrato, pero patuloy pang hinihintay ng pamunuan ng pnpa ang pahayag ni Desidero para kumpirmahin ito, ayon kay Allatog.

Dagdag pa ng opisyal, nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pnpa sa lahat ng posibleng anggulo sa likod ng pagkakaospital ng isa sa kanilang kadete.

Mayroon na ring suspek sa insidente pero tumanggi pang pangalanan ito habang sinasagawa ang imbestigasyon. (Gene Adsuara)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *