PNP: Suicide bomber sa Sulu kumpirmadong Pinoy

PNP: Suicide bomber sa Sulu kumpirmadong Pinoy

NATIYAK na ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory Region 11 na Pilipino ang isa sa dalawang suicide bomber sa insidente ng pambobomba sa kampo ng militar sa Indanan, Sulu noong Hunyo 28 na ikinamatay ng walo katao at ikinasugat ng 22 iba pa.

The post PNP: Suicide bomber sa Sulu kumpirmadong Pinoy appeared first on Abante News Online.

pnp suicide bomber sa sulu kumpirmadong pinoy - PNP: Suicide bomber sa Sulu kumpirmadong Pinoy
sulu 3 - PNP: Suicide bomber sa Sulu kumpirmadong Pinoy

NATIYAK na ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory Region 11 na Pilipino ang isa sa dalawang suicide bomber sa insidente ng pambobomba sa kampo ng militar sa Indanan, Sulu noong Hunyo 28 na ikinamatay ng walo katao at ikinasugat ng 22 iba pa.

Base sa DNA result na isinagawa ni Forensic DNA Analyst, PMaj. Florepes Pallado ng PNP, 99.99 porsyentong probability match ang DNA sample ng suicide bomber na si Norman Lasuca, 23, sa DNA sample ng ina nitong si Vilman Alam Lasuca.

Ayon sa mga awtoridad, ito ang kauna-unahang validated case ng isang Pinoy suicide bomber.

Una nang kinilala si Lasuca ng kaniyang ina nang makipag-ugnayan ito sa militar para kunin ang ulo ng kaniyang anak na tanging natira matapos ang ginawa nitong pagpasabog.

Kuwento ng ginang, 2014 pa nila huling nakita ang anak na si Norman at ngayon lang muli nila ito nakita subalit wala nang buhay.

Batay sa ulat, miyembro diumano si Lasuca ng Abu Sayyaf Group sa ilalim ni Hatib Sadjan Sawadjaan.

Samantala, bigo pa ang mga awtoridad na malaman ang pagkakakilanlan ng isa pang suicide bomber at patuloy nila itong iniimbestigahan. (Edwin Balasa)

The post PNP: Suicide bomber sa Sulu kumpirmadong Pinoy appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *