PNP sa UNHCHR: 6K lang namatay sa giyera kontra droga

GINAGALANG ng Phi­lippine National Police (PNP) ang pahayag at obserbasyon ni United Nations High Commissioner for Human Rights (UNHCHR) Michelle Bachelette na nakakabahala na ang bilang ng mga namatay sa war on drugs ng pamahalaan subalit hindi nila matanggap ang sobrang bilang nito kumpara sa totoong bilang ng pulisya.

The post PNP sa UNHCHR: 6K lang namatay sa giyera kontra droga appeared first on Abante News Online.

pnp sa unhchr 6k lang namatay sa giyera kontra droga - PNP sa UNHCHR: 6K lang namatay sa giyera kontra droga
Abante PNP - PNP sa UNHCHR: 6K lang namatay sa giyera kontra droga

GINAGALANG ng Phi­lippine National Police (PNP) ang pahayag at obserbasyon ni United Nations High Commissioner for Human Rights (UNHCHR) Michelle Bachelette na nakakabahala na ang bilang ng mga namatay sa war on drugs ng pamahalaan subalit hindi nila matanggap ang sobrang bilang nito kumpara sa totoong bilang ng pulisya.

Sa ginawang press briefing ni PNP Spoke­person Police Col. Bernard Banac kahapon sa Camp Crame, sinabi nito na hindi tugma ang datos na nakarating sa United Nations sa datos na naitala ng PNP.

Lumalabas kasi na umaabot sa mahigit 27,000 umano ang nasawi sa drug war sa bansa.

Depensa ni Banac na ang death toll sa war on drugs ay umabot sa 5,375 lang mula Hulyo 2016 hanggang Marso 2019 at bahagyang lumubo ito sa 6,600 na casualty nitong hanggang katapusan ng Mayo 2019.

“As we have explained, the varying numbers reported to UNHCHR by the special rapporteurs and its other sources were not consistent with the truth,” saad ni Banac sa press briefing.

“Their bloated fi­gures don’t add up and cannot support any further need of the UN body to see the true and accurate picture of the Philippines’ lonely crusade against the global problem of illegal drugs,” dagdag pa ng opisyal.

Sinabi pa ni Banac na sumusunod din ang PNP sa mga polisiya at patakaran, at nirerespeto nila ang karapatang pantao sa mga ginagawang operasyon.

Pinahahalagahan din umano ng PNP ang buhay ng tao at ang lahat ng pagkakamali na nagawa ng kanilang kasamahan ay pinaparusahan kapag napatunayang nagkasala patunay ang tatlong pulis na napatunayang nagkasala sa pagpatay kay Kian Delos Santos. (Edwin Balasa)

The post PNP sa UNHCHR: 6K lang namatay sa giyera kontra droga appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *