PNP sa kabataan: Huwag magpaloko sa CPP-NPA

PINAYUHAN ng isang matas na Opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang kabataan,­ partikular ang mga estudyante na huwag magpa-recruit sa mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NPA).

The post PNP sa kabataan: Huwag magpaloko sa CPP-NPA appeared first on Abante News Online.

pnp sa kabataan huwag magpaloko sa cpp npa - PNP sa kabataan: Huwag magpaloko sa CPP-NPA
npa - PNP sa kabataan: Huwag magpaloko sa CPP-NPA

PINAYUHAN ng isang matas na Opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang kabataan,­ partikular ang mga estudyante na huwag magpa-recruit sa mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NPA).

Sa panayam ng Abante kay P/Chief Supt. Edward Carranza, Regional Director ng PRO4A sa isang pagtitipon sa mga Kabataan Kontra Droga at Tero­rismo (KKDAT) sa Provincial Gymansium, Trece Martires City, Cavite, sinabi nito na bigyan ng kabataan ang pagpapahalaga ang paghihirap ng kanilang mga magulang na maitaguyod ang kanilang pag-aaral hanggang sa sila ay makatapos.

Dagdag pa ni Carranza na huwag magpabulag sa matatamis na paghikayat ng mga makakaliwang grupo na sa kanilang pagsanib sa kanilang kilusan ay makakamit ang tunay na pagbabago ng ating Lipunan.

Inihalimbawa nito ang isang Veterinary student ng University of the Philippines (UP)- Los Baños na namatay sa isang enkuwentro sa pagitan ng kapulisan at makakaliwang grupo matapos itong umanib.

“Iisipin mo, nagtratrabaho ng husto ang kanyang mga magulang upang mapagtapos ang kanyang anak at ina­akala nito na nag-aral lamang ito yun pala, na-recruit ng makakaliwang grupo” ayon kay Carranza.

Mensahe naman ni Carranza sa kabataan na may malaking papel na ginagampanan ang mga ito, bilang mga ‘role model; na makaiwas sa maling barkada at malulong sa masamang bisyo.

Ang programa ng KKDAT ay dinaluhan ng mahigit sa 300 kabataan sa Cavite kabilang ang mga nahalalal na SK Chairman at Kagawad at mga miyembro na nagtipon-tipon at nanindigan upang labanan ang anumang klase ng iligal na droga at tero­rism.

The post PNP sa kabataan: Huwag magpaloko sa CPP-NPA appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *