PNP sa Anakbayan: Nasaan ang mga nawawalang estudyante?

HINAMON ni Philippine National Police (PNP0 Chief Police General Oscar Albayalde ang militanteng grupong Anakbayan na sagutin nila ang katanungan ng magulang ng mga nawawalang estudyante na umanib sa kanilang grupo.

pnp sa anakbayan nasaan ang mga nawawalang estudyante - PNP sa Anakbayan: Nasaan ang mga nawawalang estudyante?
albayalde 4 - PNP sa Anakbayan: Nasaan ang mga nawawalang estudyante?

HINAMON ni Philippine National Police (PNP0 Chief Police General Oscar Albayalde ang militanteng grupong Anakbayan na sagutin nila ang katanungan ng magulang ng mga nawawalang estudyante na umanib sa kanilang grupo.

Ito’y matapos humarap sa hearing ng Senate committee on public order and illegal drugs nitong Miyerkoles ang mga magulang ng limang mag-aaral upang idaing ang pagkawala ng kanilang mga anak matapos na sumali sa Anakbayan.

Sa isinagawang press conference kahapon sa Camp Crame, sinabi ni Albayalde na dapat ipaliwanag ng Anakbayan kung ano na ang nangyari sa mga nawawalang estudyante.

“Ito ‘yung sinasabi ko bakit hindi nila sagutin ‘yung mga allegation o ‘yung sinasabi ng mga magulang. Bakit kami ang sinasabi nilang may sala rito. Hindi po kami, sagutin nila ‘yung mga magulang, hindi ‘yung sinasabi nila always in general pakana na naman ito ng gobyerno, pakana na naman ito ng AFP at PNP,” pahayag ni Albayalde.

‘Bakit hindi nila sagutin isa-isa ‘yung mga sinasabi nu’ng mga magulang kahapon. ‘Yun ang challenge natin sa kanila, sagutin nila at sabihin nila kung nasaan ‘yung mga anak nitong mga magulang na umiiyak at nagdadalamhati,” dagdag pa ng opisyal.

Ayon pa sa opisyal, ang nakakabahala ay ang possibilidad na namundok na at sumama sa NPA ang mga kabataang ito matapos na ma-brainwash ng Anakbayan.

Ganito aniya ang kaso ng isang estudyante ng University of the Philippines (UP) na kasama sa mga napatay sa engkwentro ng militar at NPA kamakailan, kung saang inakusahan pa ng Anakbayan ang PNP at AFP ng paglabag sa karapatang pantao.

Sa ngayon aniya ay sinampahan na ng kaso ng PNP nitong August 1, ang mga miyembro ng Anakbayan na itinuro ng isa sa mga magulang na humarap sa senate hearing na si Relissa Lucena, na umano’y responsable sa pagkawala ng kanyang anak. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *