PNP provincial director sinibak sa mga patayan sa Negros

Bunsod ng sunod-sunod na patayang nagaganap sa lalawigan ay sinibak sa puwesto si Negros Oriental Provincial Director Police Colonel Raul Tacaca kahapon.

pnp provincial director sinibak sa mga patayan sa negros - PNP provincial director sinibak sa mga patayan sa Negros
ABANTE pnp batocabe - PNP provincial director sinibak sa mga patayan sa Negros

Bunsod ng sunod-sunod na patayang nagaganap sa lalawigan ay sinibak sa puwesto si Negros Oriental Provincial Director Police Colonel Raul Tacaca kahapon.

Ayon kay Police Brig. General Bernard Banac, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP), ang pag-relieve sa puwesto kay Tacaca ay upang bigyang-daan ang isang patas na imbestigasyon sa posibleng lapse sa kanyang pamumuno.

Nauna dito, nagpadala ang PNP ng mahigit sa 300 miyembro ng Special Action Force (SAF) sa lalawigan ng Negros Oriental para makatulong sa lokal na pulisya at mga sundalo dahil sa lumalalang patayan na gawa umano ng mga New Peoples Army (NPA) partikular sa Negros Oriental.

Ayon kay PNP chief General Oscar Albayalde, nakakaalarma ang sunod-sunod na pata­yan sa lugar kaya patuloy nilang iniimbestigahan ang mga ito.

Magugunitang apat na pulis ang pinatay ng NPA sa Ayungon Negros Oriental nitong Hulyo 18 nan hapon.

Nasundan pa ito ng sunod-sunod na patayan na umabot ng 16 na casualty sa loob lamang ng isang linggo.(Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *