PNP may ultimatum sa pagsuko ng mga armas ni Erwin Tulfo

Muling hinimok ng Philippine National Police (PNP) ang Brodkaster na si Erwin Tulfo na tuma­lima na sa kanilang panawagan na isuko na sa kanila ang mga pagmamay-ari nitong baril at huwag ng hinatayin na gumawa ng hakbang ang kapulisan laban sa kanya.

The post PNP may ultimatum sa pagsuko ng mga armas ni Erwin Tulfo appeared first on Abante News Online.

pnp may ultimatum sa pagsuko ng mga armas ni erwin tulfo - PNP may ultimatum sa pagsuko ng mga armas ni Erwin Tulfo
erwin - PNP may ultimatum sa pagsuko ng mga armas ni Erwin Tulfo

Muling hinimok ng Philippine National Police (PNP) ang Brodkaster na si Erwin Tulfo na tuma­lima na sa kanilang panawagan na isuko na sa kanila ang mga pagmamay-ari nitong baril at huwag ng hinatayin na gumawa ng hakbang ang kapulisan laban sa kanya.

Sa isinagawang press briefing kahapon sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief Police Gen. Oscar Albayalde ay dahil bigo pa rin si Tulfo na isuko ang kanyang mga baril sa kabila ng pagpaso ng kanyang LTOPF o License to Own and Possess Firearms ng pito niyang armas noon pang buwan ng Marso.

Ayon kay Alba­yalde, hindi na dapat hintayin ni Tulfo na gumawa pa ng hakbang ang pulisya tulad ng pagpapatupad ng Search Warrant para mabawi ang mga baril nito.

“Well we will be forced to undertake police actions. Alam naman nila ‘yan. We have done that in several individuals already. Ang ini-emphasize po natin dito is we are not zeroing only on Mr. Erwin Tulfo.

Ito po ay SOP para sa lahat at hindi lang para sa mga Tulfo or kay Mr. Erwin particularly,” paliwanag ni Albayalde.

Nilinaw din ng PNP Chief na hindi rin nagre-apply para sa Police Security Detail ang magkakapatid na Tulfo na una nang binawi ng PSPG o Police Security and Protection Group Gayunman, sinabi ni Albayalde na hindi nila pinag-iinitan ang Tulfo Brothers sa halip ang panawagan ay para sa lahat na rin ng mga binawian ng Security Detail na dumaraan sa pro­seso ng validation at verification. (Edwin Balasa)

The post PNP may ultimatum sa pagsuko ng mga armas ni Erwin Tulfo appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *