PNP may pabuya para sa pagresolba sa jewelry shop robbery

NAKAHANDANG magbigay ng pabuya ang Biñan Police sa makapagbibigay ng impormas­yon para makilala ang mga suspek sa mapangahas na robbery incident sa isang jewelry shop na nasa loob ng palengke ng Biñan City, Laguna noong Sabado nang umaga.

pnp may pabuya para sa pagresolba sa jewelry shop robbery - PNP may pabuya para sa pagresolba sa jewelry shop robbery
ABANTE binan police - PNP may pabuya para sa pagresolba sa jewelry shop robbery

NAKAHANDANG magbigay ng pabuya ang Biñan Police sa makapagbibigay ng impormas­yon para makilala ang mga suspek sa mapangahas na robbery incident sa isang jewelry shop na nasa loob ng palengke ng Biñan City, Laguna noong Sabado nang umaga.

Ayon kay PLtCol. Danilo Mendoza, hepe ng Biñan City Police, nakikipag-ugnayan na rin sila sa lokal na pamahalaan ng Biñan para sa karagdagang pabuya sa sinomang informant sa insidente.

Sa ngayon ay hindi pa rin nakikilala ng pulisya ang mga suspek na sinasabing miyembro ng Martilyo Gang na nakatangay ng nasa P8 milyong halaga ng mga alahas.

Pasado alas-sais ng Sabado nang gabi nang salakayin ng nasa anim na mga armadong kalalakihan at nakasuot ng mga sumbrero ang NZE Wholesale & Retail Gold & Silver Jewelry Goldsmith Shop na nasa Biñan Public Market sa Barangay Poblacion.

Batay sa kuha ng CCTV, magkakasunod na dumating sa harap ng shop ang mga suspek at binasag sa pamamagitan ng martilyo ang mga estante na naglalaman ng mga alahas.

Matapos limasin sa loob lamang ng humigit-kumulang isang minuto at isilid sa bag ang mga ninakaw, mabilis ding tumalilis ang mga suspek na naglakad papalayo at saka sumakay sa dala­wang naghihintay na getaway vehicle.

Nakipag-ugnayan na rin ang mga tauhan ng Biñan City Police sa mga tauhan ng Binondo Police Station upang tiyakin kung ito rin ang mga suspek na nanloob sa isang branch ng Metrobank sa nasabing lugar noong Hulyo 11. (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *