PNP Law palakasin kontra abusadong pulis

Dapat na umanong baguhin ang Philippine National Police (PNP) Law para marebyu ang pinababang kasong administratibong isinampa laban sa 13 ‘ninja cops’, ayon kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.

pnp law palakasin kontra abusadong pulis - PNP Law palakasin kontra abusadong pulis
ABANTE pnp batocabe - PNP Law palakasin kontra abusadong pulis

Dapat na umanong baguhin ang Philippine National Police (PNP) Law para marebyu ang pinababang kasong administratibong isinampa laban sa 13 ‘ninja cops’, ayon kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.

Ginawa ni Sotto ang pahayag kasabay ng pagkuwestiyon sa 13 pulis na sangkot sa kontrobersyal ng anti-illegal drug ope­ration sa Mexico, Pampanga noong Nobyembre 2013 kung saan na-demote lang sila at hindi nasibak sa serbisyo dahil sa grave misconduct.

“‘Yung nag-downgrade ng kaso ‘yun at bakit ‘yun lang fi-nile at dinowngrade e dismissal­ na nga ‘yung original? Bakit demotion lang?” pahayag ni Sotto sa pa­nayam ng GMA News.

“Kailangan amiyendahan na ‘yung PNP Law. Nandun na sa PNP Law ‘yung ibang administrative na kaso nila bukod dun sa Republic Act 9165 kung droga pinag-uusapan pero ‘yung pagpapa­lakad at katulad nu’ng iba-ibang kaso na nangyayaring ganyan dapat ‘yung PNP law natin dapat ayusin,” sabi ni Sotto.

Sabi pa ni Sotto, dapat magsilbing ‘wake-up’ call na rin para sa National Police Commission ang naturang kaso dahil mandato nilang palakasin ang disciplinary action laban sa mga abusadong pulis.

Sa pagdinig sa Senado noong Martes, na­ngako ang Department of Justice na maglalabas na sila ng resolus­yon sa kasong grave misconduct laban sa 13 pulis na sangkot sa anti-illegal drug operation sa Pampanga noong 2013.

Ang mga pulis na sangkot ay sina Supt. Rodney Raymundo Baloyo IV; Senior Inspector Joven de Guzman Jr.; SPO1 Jules Maniago; SPO1 Donald Roque; SPO1 Ronald Santos; SPO1 Rommel Vital; SPO1 Alcindor Tinio at SPO1 Eligio Valeroso.

Ang iba pa ay sina PO3 Dindo Dizon; PO3 Gilbert De Vera; PO3 Romeo Guerrero Jr.; PO3 Dante Dizon; at PO2 Anthony Lacsamana na pawang mga miyembro ng Provincial Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force ng Pampanga Provincial Police Office. (Dindo Matining)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *