PNP kinalampag sa pinatay na aide ni Junjun Binay

KINALAMPAG ni Senadora Nancy Binay ang Philippine National Police (PNP) para madaliin ang pagbibigay katarungan sa pagkamatay ni Monalisa ‘Monette’ Bernardo, ang long-time aide ni dating Makati Mayor Junjun Binay.

The post PNP kinalampag sa pinatay na aide ni Junjun Binay appeared first on Abante News Online.

pnp kinalampag sa pinatay na aide ni junjun binay - PNP kinalampag sa pinatay na aide ni Junjun Binay
binay 3 - PNP kinalampag sa pinatay na aide ni Junjun Binay

KINALAMPAG ni Senadora Nancy Binay ang Philippine National Police (PNP) para madaliin ang pagbibigay katarungan sa pagkamatay ni Monalisa ‘Monette’ Bernardo, ang long-time aide ni dating Makati Mayor Junjun Binay.

Ayon kay Binay, 40 araw na ang nakalilipas mula nang pumanaw si Monette pero hanggang ngayon ay wala pa ring naaaresto at update ang kapulisan sa imbestigasyon.

Ang impormasyon lamang na natanggap ni Binay sa mga nagdaang araw ay ang pahayag ni PNP Chief Oscar Albayalde na hindi election-related ang pagkamatay ni Monette.

“Today marks the 40th day since Monette’s death, and until now we haven’t been given any update kung ano na ang nangyayari sa imbestigasyon. May lead na ba ang mga pulis? May suspect na ba? Ano na nga ba?” pagtatanong ni Binay.

“Muli po akong nananawagan sa ating law enforcement agencies, lalo na sa PNP at NBI na bigyang katarungan sa lalong madaling panahon ang pagkamatay ni Monette. I would greatly appreciate if your office could share with us initial leads and provide us with details of any significant deve­lopments since the start of the investigation,”a niya.

Kasabay nito ay umapela si Binay sa PNP na ikunsidera ang siyudad ng Makati bilang election hotspot.

Si Bernardo ay ang executive assistant ni Mayor Junjun Binay na namatay dahil sa multiple organ failure matapos itong mabaril sa driveway patungo ng kanyang bahay noong March. (Anne Lorraine Gamo)

The post PNP kinalampag sa pinatay na aide ni Junjun Binay appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *