PNP kinalampag sa paglobo ng krimen

UMAPELA si ACT-CIS Cong. Eric Yap sa Philippine National Police (PNP) na paigtingin pa ang pagbabantay at pagpapatrolya sa mga lansangan matapos ang tila sunud-sunod na patayan sa bansa nitong mga nakalipas na araw.

pnp kinalampag sa paglobo ng krimen - PNP kinalampag sa paglobo ng krimen
abante pnp 3 - PNP kinalampag sa paglobo ng krimen

UMAPELA si ACT-CIS Cong. Eric Yap sa Philippine National Police (PNP) na paigtingin pa ang pagbabantay at pagpapatrolya sa mga lansangan matapos ang tila sunud-sunod na patayan sa bansa nitong mga nakalipas na araw.

“Base sa mga CCTV footages, tila hindi na natatakot ang mga kriminal na pumatay kahit in broad daylight,” ayon pa kay Yap.

Ang tinutukoy ng mambabatas ay ang pagbaril at pagpatay ng isang armadong lalaki na naka-motorsiklo kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Secretary Wesley Barayuga sa loob ng kanyang sasakyan sa Mandaluyong City kamakailan.

Nitong Sabado lamang aniya ay natagpuan ring patay ang dinukot na si Adrian Ramos sa Bay, Laguna.

Si Ramos ay pamangkin ni Meyah Amatorio na kasintahan ng pinatay na lady driver na si Jang Lucero.

Sabay na dinukot ng mga armadong kalalakihan sina Ramos at Amatorio sa Laguna ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan si Amatorio.

Si Lucero naman ay tadtad ng saksak nang matagpuan sa kanyang sasakyan noong nakaraang buwan lamang.

Giit ni Cong. Yap sa PNP ‘wag lang yung walang face mask at lumalabag sa social distancing ang bantayan ng mga pulis, hanapin rin nila itong mga kriminal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *