PNP iresponsable sa Dacera case – Robredo

Binatikos ni Vice President Leni Robredo ang iresponsable umanong paghawak ng Philippine National Police sa kaso ng flight attendant na si Christine Angelica Dacera na natagpuang patay sa isang hotel sa Makati City noong umaga ng Bagong Taon.

The post PNP iresponsable sa Dacera case – Robredo first appeared on Abante.

pnp iresponsable sa dacera case robredo - PNP iresponsable sa Dacera case – Robredo
abante leni robredo 3 - PNP iresponsable sa Dacera case – Robredo

Binatikos ni Vice President Leni Robredo ang iresponsable umanong paghawak ng Philippine National Police sa kaso ng flight attendant na si Christine Angelica Dacera na natagpuang patay sa isang hotel sa Makati City noong umaga ng Bagong Taon.

Sa kanyang lingguhang radio program na Biserbisyong Leni, tinawag niyang iresponsable ang premature na pahayag ng pulisya na sarado na ang kaso ng 23-anyos na flight attendant ng Philippine Airlines (PAL) gayung kulang pa ang mga ebidensya para suportahan ang kanilang deklarasyon.

“Para sa akin, napaka-iresponsible na sabihing case closed, napaka-iresponsible na sabihin na ito iyong dahilan ng wala ka pang basehan. Unang una ang laking kasalanan noon sa pamilya ng namatay lalo na at hindi klaro kung paano namatay ang biktima,” ani Robredo.

Bilang isang abogado, idiniin ni Robredo na hindi rin ito makatarungan sa panig ng mga taong nadawit sa krimen dahil sa kawalan ng maayos na imbestigasyon.

Nauunawaan din aniya niya ang damdamin ng isang ina tulad ni Gng. Sharon Dacera na humihingi ng hustisya sa sinapit ng kanyang anak.

“Kung ako ang nanay, syempre ang gusto kong mangyari yung malaman ang katotohanan. Masakit na namatayan, kung hindi mo pa alam ang nangyari, mas dodoble ang sakit,” dagdag ng bise-presidente. (Mia Billones)

The post PNP iresponsable sa Dacera case – Robredo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *