PNP-HPG, MMDA binuhay sa ‘ber’ trapik

traffic

Balik ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) katuwang ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na magmando ng daloy ng trapiko sa EDSA.

pnp hpg mmda binuhay sa ber trapik - PNP-HPG, MMDA binuhay sa ‘ber’ trapik
traffic1 - PNP-HPG, MMDA binuhay sa ‘ber’ trapik

Balik ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) katuwang ang Metro Manila Development Authority (MMDA) na magmando ng daloy ng trapiko sa EDSA.

Bago isabak sa Lunes ay pinulong ni Brig. Gen. Eliseo Cruz, hepe ng PNP-HPG ang mahigit 50 sa 100 MMDA enforcer na makakasama nila sa pagsasaayos ng trapiko mula Timog Avenue hanggang Ortigas.

Ayon kay Cruz, pupuwesto ang HPG at MMDA sa mga critical point ng EDSA.

Ang MMDA naman ang mangangasiwa sa paniniket ng mga pasaway na motorista habang ang HPG ang tutugon sa krimen sa kalsada at mga carnap na sasakyan.

Paliwanag ni Cruz, maliban sa volume ng mga sasakyan, malaking dahilan kung bakit kilo-kilometro ang trapiko sa EDSA ay ang kakulangan sa disiplina ng mga driver kaya naman ipinapangako ng opisyal na pag-iibayuhin nila ang law enforcement para mabawasan ang travel time ngayong ‘ber’ months.

Sinabi pa ni Cruz na maliban sa 187 patroller ay nagpakalat din sila ng mga counter intelligence operative na tutok sa mga iligal na aktibidad ng mga pulis sa kalsada.

Taong 2016 nang dati nang magsanib puwersa ang MMDA at HPG sa pagsasaaayos ng daloy ng trapiko sa Edsa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *