PNP gagamit ng helicopter laban sa mga kriminal

SA Setyembre na darating ang dalawa sa 10 bagong helicopter na inilaan ng Philippine National Police (PNP) upang mas mapalakas pa ang kanilang kapabilidad sa paglaban sa kriminalidad sa bansa.

pnp gagamit ng helicopter laban sa mga kriminal - PNP gagamit ng helicopter laban sa mga kriminal
Abante PNP - PNP gagamit ng helicopter laban sa mga kriminal

SA Setyembre na darating ang dalawa sa 10 bagong helicopter na inilaan ng Philippine National Police (PNP) upang mas mapalakas pa ang kanilang kapabilidad sa paglaban sa kriminalidad sa bansa.

Ayon kay Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa, PNP de­puty chief for opera­tions, nilaanan ng pondong P1.75 bil­yon ang mga bagong chopper na magiging kauna-unahang active air assets mula pa noong 2009 na huling bumili nito.

Kabilang dito ang dalawang training chopper na nagkakahalaga ng P90 milyon ang bawat isa, pitong single-engine unit na nagkakaha­laga ng P250 milyon bawat isa, at twin-engine na nasa P450 mil­yon ang halaga.

Nakatakdang dumating ang dala­wang training helicopter sa Setyembre habang ang ilan ay darating sa Nobyembre hanggang Hunyo 2020.

Nabatid na ang dalawang helicopter ay dadalhin sa National Capital Region, dalawa sa Visayas, at dalawa sa Minda­nao. (Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *