PNP frontliner pagod na rin

Inamin ng Philippine National Police (PNP) na maging ang kanilang mga doktor at nurse ay napapagod na sa pag-aasikaso ng mga pasyente dahil sa biglaang pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

pnp frontliner pagod na rin - PNP frontliner pagod na rin
abante pulis 2 - PNP frontliner pagod na rin

Inamin ng Philippine National Police (PNP) na maging ang kanilang mga doktor at nurse ay napapagod na sa pag-aasikaso ng mga pasyente dahil sa biglaang pagtaas ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa press briefing nitong Martes sa Camp Crame, sinabi ni PNP chief General Archie Francisco Gamboa batid nya ang hirap ng mga doctor at nurse na pulis kaya plano nyang magkaroon ng “heart to heart talk” sa mga ito.

Bukod dito ay magsasagawa ng re-assessment ang PNP para sa kanilang mga doktor at nurse.

“I gave instructions to General (Camilo) Cascolan na try to re-evaluate also our forces kasi nakita niyo naman sabi ni Presidente (Duterte) pati yung PNP will be used already, so sabi ko let us re-examine the availability of our medical reserve force,” pahayag ni Gamboa.

Wala naman umanong nagrereklamo sa PNP dahil mayroon umano silang “police disicipline” sa organisasyon.

Nabatid na maliban sa PNP General Hospital, nagbabantay din ang ilang PNP medical personnel sa Philippine Sports Complex-ULTRA sa Pasig City at PICC sa Pasay.

“Hindi puwede mag timeout ang PNP. We are not authorized to call for a timeout in the PNP. We have to continue. Marami naman ang PNP. We are totaling already 209,000 so there is no reason why the PNP should say also timeout,” saad pa ni Gamboa.(Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *