PNP chief na may ‘balls’ hanap ni Duterte

MASUSING pinag-iisipan pa ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kung sino ang itatalaga nitong susunod na maging hepe ng Philippine National Police (PNP) kapalit nang nagbitiw na si dating Police General Oscar Albayalde.

pnp chief na may balls hanap ni duterte - PNP chief na may ‘balls’ hanap ni Duterte
bong go x duterte - PNP chief na may ‘balls’ hanap ni Duterte

MASUSING pinag-iisipan pa ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte kung sino ang itatalaga nitong susunod na maging hepe ng Philippine National Police (PNP) kapalit nang nagbitiw na si dating Police General Oscar Albayalde.

Sinabi ng dating top aide ng Pangulo at ngayon ay senador Bong Go, ang hinahanap aniya nitong kuwalipikasyon ng susunod na PNP chief ay yaong may kakaya­han at paninindigang ipagpa­tuloy ang kampanya ng iligal na droga sa bansa.

Sinabi ni Go na hintayin na lamang ang magiging anunsiyo ni Pangulong Duterte kapag may napili na itong ipalit kay Albayalde.

“Wala pa po. Antayin na lang po natin. I’m not authorized to speak in behalf of the President. Maaaring pinag-iisipan n’ya ito ng mabuti at malalim. Sa pagkaalam ko po ang hinahanap n’ya ay kung sino po ‘yung may ba­yag na ipagpatuloy ‘yung kampanya, labanan itong iligal na droga,” ani ni Go.

Wala aniyang timelime si Pangulong Duterte kung kailan nito gustong mag-anunsiyo dahil prerogative niya ito bilang Presidente.

“Antayin na lang po natin. It’s the President’s prerogative kung kailan niya ito ia-announce,” dagdag pa ni Go.

Matatandaang iniha­yag ni Pa­ngulong Duterte na wala pa siyang napipili at titingnan niya munang mabuti ang kuwalipikasyon ng mga kandidato sa pinakamataas na puwesto sa PNP dahil ayaw aniya nitong madapa muli.

Si Albayalde ay nagbitiw sa puwesto matapos isangkot sa kontro­bersiya sa sindikato ng ‘ninja cops’ na mga dating tauhan nito sa Central Luzon. (Aileen Taliping)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *