PNP binalasa uli ni Gamboa

Itinalaga sa mga bagong puwesto ni Philippine National Police (PNP) Director General Archie Francisco Gamboa ang tatlong heneral at dalawang colonel epektibo nitong Biyernes, Agosto 28.

The post PNP binalasa uli ni Gamboa first appeared on Abante.

pnp binalasa uli ni gamboa - PNP binalasa uli ni Gamboa
Archie Francisco Gamboa - PNP binalasa uli ni Gamboa

Itinalaga sa mga bagong puwesto ni Philippine National Police (PNP) Director General Archie Francisco Gamboa ang tatlong heneral at dalawang colonel epektibo nitong Biyernes, Agosto 28.

Sa kanyang kautusan na may petsang Agosto 26, itinalaga si dating PNP Health Service (PNPHS) director Brig. Gen. Herminio Tadeo Jr. bilang director ng PNP Finance Service. Papalit kay Tadeo bilang Acting Director ng PNPHS si Col. Arthur Cabalona, na dating naka-assign sa Directorate for Comptrollership.

Si Col. Arcadio Jamora Jr. mula sa EOD/K9 ay itinalaga bilang Acting Executive Officer ng Directorate for Integrated Police Operations-Northern Luzon. Si dating DIPO–Western Mindanao director Brig. Gen. Alfred Corpus ay itinalaga bilang bagong hepe ng National Police Training Institute (NPTI). Pumalit sa puwesto niya si Brig. Gen. Ferdinand Daway, na dating nakatalaga sa PNP Finance Service. (Edwin Balasa)

The post PNP binalasa uli ni Gamboa first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *