PNP alerto sa balik klase

INILAGAY sa ‘alert status’ ang Philippine National Police (PNP) nitong Lunes sa unang araw ng pagbubukas ng klase sa ilalim ng new normal.

The post PNP alerto sa balik klase first appeared on Abante.

pnp alerto sa balik klase - PNP alerto sa balik klase
Camilo Cascolan - PNP alerto sa balik klase

INILAGAY sa ‘alert status’ ang Philippine National Police (PNP) nitong Lunes sa unang araw ng pagbubukas ng klase sa ilalim ng new normal.

Ayon kay PNP Director General Camilo Cascolan, nasa 210,000 pulis sa buong bansa ang nakaalalay sa balik ng mga klase sa mga pampublikong paaralan.

Pahayan ni Cascolan, bagama’t hindi nila inaasahan na dadagsain ang mga paaralan ay sigurado pa rin na may mga pupunta sa eskwelahan para kumuha ng learning module.

“Expect natin na may dagdag ng volume na magtutungo sa mga paaralan kahit pa distance learning dahil tiyak na may kailangan silang kunin, kaya naman kami sa PNP ay nais naming matiyak ang kaligtasan ng ating mga guro at iba pa,” ani ng PNP chief.

Dagdag pa nito na paiigtingin pa rin ang police visibility sa mga paaralan lalo pa nais nilang makatiyak na masusunod pa rin ang mga health at safety protocol sa banta ng COVID-19 pandemic.

Naglatag din ang pulisya ng mga public assistance desk na siyang reresponde kung may hindi inaasahang mangyayari sa unang araw ng pagbubukas ng klase. (Allan Bergonia)

The post PNP alerto sa balik klase first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *