PMA Superintendent nag-resign sa hazing

NAGBITIW na sa puwesto si Philippine Military Academy (PMA) Supt. Ronnie Evangelista matapos ang naganap na insidente ng hazing na ikinamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio noong Setyembre 18.

pma superintendent nag resign sa hazing - PMA Superintendent nag-resign sa hazing
pma 3 - PMA Superintendent nag-resign sa hazing

NAGBITIW na sa puwesto si Philippine Military Academy (PMA) Supt. Ronnie Evangelista matapos ang naganap na insidente ng hazing na ikinamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio noong Setyembre 18.

Kasamang nagbitiw sa puwesto ni Evangelista si Corps of Cadets Commandant Brig. Gene­ral Bartolome Vicente Bacarro.

“In the military tradition of command res­ponsibility, it is now the proper time for me, as the head of this institution, together with the commandant of the Corps of Cadets to relinquish our respective positions,” pahayag ni Evangelista sa isinagawang press conference kahapon sa PMA sa Baguio City.

“I did not leave my post in the midst of crisi­s. I faced the problems squarely and we have finished the investigation. As I resign from my post, it is now up to the proper authority to decide on the finality of the case. That for me is the definition of command responsibility,” dagdag pa nito.
Sa panayam naman kay Gen. Bacarro, kasama siyang nag-resign ni Evangelista dahil sa command responsibility.

“Kahit ginawa nating lahat, ‘yung principle ng command responsibility nag-volunteer na kami, were awaiting ‘yung final orders pero most likely tatanggapin niya (AFP chief of staff), ang sa akin kasi ang kuwan ko is to save the organization na kaya kami nag-resign whether you like it or not, kami ‘yung commanders, ‘yung pag-resign naman namin its not an admission na may mali kami, na nagkulang kami,” pahayag ni Bacarro.

Samantala, kinumprma naman ni AFP Spokesperson Marine Brig. General Edgard Arevalo na tinanggap na ni AFP Chief of Staff Benjamin Madrigal Jr. ang resignation nina Evangelista at Bacarro subalit sa ngayon ay wala pang pangalang lumutang kung sino ang ipapalit sa kanilang puwesto.

Samantala, inilabas na ng PMA ang mga pangalan ng mga kadete na sangkot sa pagkamatay ni Dormitorio at ang mga parusa ng mga ito.

Tatlong senior cadet ng PMA na mayroong direktang partisipasyon at responsable sa grabeng panggugulpi kay Dormitorio at inihahanda na ang kanilang pagpapatalsik sa akademiya na sina Cadet Third Class Shalimar Imperial at Felix Lambag, habang si Cadet 1st Class Axl Ray Sanupco ang siyang primary suspect at nag-utos sa mga kadete na gulpihin si Dormitorio bilang parte ng hazing ayon kay Bacarro.

Samantala, mapaparusahan din dahil sa command responsibility ang Squad leader na si Cadet 2nd Class Nickoel Termil.

Masususpinde naman ng isang taon sina Cadet 1st Class Irvin Sayud (platoon leader), Cadet 1st Class Elbert Lucas (CO), para sa class 1 offense sina Cadet 1st Class Christian Correa (floor inspector) Officer ng Tactics Group, Major Rex Bolo (STO), Capt. Jeffrey Batistiana, TAC O Hospital Col. Cesar Candelaria – commanding officer, habang sibak din bilang commander ng PMA station hospital si Capt. Dr. Flor Apostol, attending physician na sumuri kay Dormitorio bago ito namatay.
Mayroong siyam na kadete din ang kinukonsiderang witness sa nasabing insidente. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *