PMA cadet corps commander nag-resign sa hazing

NAGBITAW sa tungkulin bilang Phi­lippine Military Academy (PMA) Cadet Brigade commander si Cadet first class Ram Navarro matapos ang pagsasampa ng kasong kriminal sa pitong kadete ng akademiya dahil sa hazing na naging dahilan ng pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.

pma cadet corps commander nag resign sa hazing - PMA cadet corps commander nag-resign sa hazing
PMA 2 - PMA cadet corps commander nag-resign sa hazing

NAGBITAW sa tungkulin bilang Phi­lippine Military Academy (PMA) Cadet Brigade commander si Cadet first class Ram Navarro matapos ang pagsasampa ng kasong kriminal sa pitong kadete ng akademiya dahil sa hazing na naging dahilan ng pagkamatay ni Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.

Ito ang kinumpirma kahapon ni PMA Cadet Corps Commandant Brig. General Romeo Brawner sa isang pana­yam.

“On his own nag-volunteer siyang mag-resign following the actions ng superintendent at ng former commandant of cadets so pati siya because of the principle of command responsibi­lity he opted also na mag-resign also as the baron, as the brigade commander,” pahayag ni Brawner.

Subalit paliwanag ni Brawner na tanging ang posisyon niya bilang ‘Baron’ lang ng PMA Class 2020 ang binitiwan ni Navarro at nakapili na rin ng kapalit nito at isinagawa ang turn over kamakalawa nang gabi sa katauhan ni Cadet first class Marion Dale Cordova.

Hindi rin maapektuhan ang stan­ding ni Navarro bilang kadete dagdag pa ni Brawner.

“Hindi ibig sabihin na nag-resign siya ay hindi na siya kadete o aalis siya sa academy, hindi, ang bagong designation niya ngayon is that he is the brigade operations officer so very active pa rin ‘yung role niya, very important ‘yung role niya,” paliwanag ni Brawner.

Samantala ibinunyag din ni Braw­ner na sa kabila ng pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga sangkot na mga kadete sa pagkamatay ni 4ht Class cadet Darwin Dormitorio ay nananatili pa rin sa pamunuan ng PMA ang kustodiya ng mga suspek na kadete.

Ayon kay Brawner patuloy pa rin naka-hold sa stockade ng PMA ang mga kadete at posibleng mag-request sila ng general court martial para ang PMA pa rin ang humawak sa mga kadeteng suspek sa pagkamatay ni Dormitorio.

Matatandaang nitong Oktubre 8 ay pormal ng sinampahan ng kasong criminal sa Baguio City prosecutors office ang pitong kadete habang limang PMA personnel din kabilang ang dalawang doktor na gumamot kay Dormitorio dahil umano sa pagtatago ng tunay na kalagayan ng kadete noong ito ay nasa PMA hospital. (Edwin Balasa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *