PLDT-MVP nganga sa Home Fibr aberya

PLDT-MVP nganga sa Home Fibr aberya

BUMAHA na naman ng reklamo sa PLDT dahil sa kabagalan o kawalan ng internet service nito na nagsimula pa nu’ng Martes para sa ilan at halos dalawang linggo pa sa iba.

The post PLDT-MVP nganga sa Home Fibr aberya appeared first on Abante News Online.

pldt mvp nganga sa home fibr aberya - PLDT-MVP nganga sa Home Fibr aberya
pldt 6 - PLDT-MVP nganga sa Home Fibr aberya

BUMAHA na naman ng reklamo sa PLDT dahil sa kabagalan o kawalan ng internet service nito na nagsimula pa nu’ng Martes para sa ilan at halos dalawang linggo pa sa iba.

Walang internet, mabagal na internet at problema sa landline ang reklamo sa PLDT kahapon mula sa subscribers nito mula Metro Manila hanggang Tarlac City ayon sa outage.report/ph. Sabi pa ng netizen na si Abebe Mantovanni Sia, 840 Kbps lang ang kanyang internet samantalang siya ay naka-plan 2899 na up to 50 Mbps dapat ang bilis.

Tweet ni Maria Bernadette Cabasag-Peji sa PLDT kahapon, “Wala na kayong ginawang tama! 22 days na kaming LOS sa fibr net yung postpaid ko na itag na imbecile nyong tech sa ibang account holder…akala ko nagawan nan g tkt sa back ofc, yun pala NGANGA!.”

“3 days na walang internet asan na po yung technician ninyo? Nasa oras kami mag bayad dapat ganun din serbisyo nyo,” tweet ni Amun@jeromecampilan kahapon.

Hirit naman ng netizen na si Raslyn Rhd sa Facebook ng PLDT Home, “shame on u PLDT Homes! me TIPS pa kayong nalalaman. How about TIPS to improve ur customers service. Uro nareklamo customers niu oh…”

“There’s no concerns for scammers for PLDT customers. Coz their internet isn’t working,” banat naman ni Marcel Dewitz sa FB page pa rin ng PLDT.

Sabi pa ng netizen na si Myra Fajardo kahapon, “It’s the 8th day that we don’t have landline and internet connection. Any update from you? You’ve been using that “major cable trouble” repair as an excuse for a month now. Was there even a repair ongoing?”

Tinanong ng Abante ang PLDT kung ano ang sanhi kaya nagkakaproblema ang serbisyo nito ngunit wala itong ibinigay na pahayag. (Eileen Mencias)

The post PLDT-MVP nganga sa Home Fibr aberya appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *