Plastik palit grocery sa Pangasinan

Sa pamamagitan ng ‘Kalinisan Karaban’ project, nasa 64,464 kilo ng mga basurang plastik ang nakolekta ng Pangasinan provincial government, na pinalitan ng mga grocery item.

The post Plastik palit grocery sa Pangasinan first appeared on Abante.

plastik palit grocery sa pangasinan - Plastik palit grocery sa Pangasinan
Pangasinan - Plastik palit grocery sa Pangasinan

Sa pamamagitan ng ‘Kalinisan Karaban’ project, nasa 64,464 kilo ng mga basurang plastik ang nakolekta ng Pangasinan provincial government, na pinalitan ng mga grocery item.

Ayon kay General Services Office chief Evan Gladish Domalanta, sa kabila ng pandemya ay itinuloy nila ang programa at nangongolekta pa rin ng mga basurang plastik sa mga residente.

Nasa P1.2 milyong halaga na aniya ng grocery item ang naibigay nila kapalit ng basura.

Ang tatlong lugar na may pinakamaraming nakolektahan ng basurang plastik ay ang Bautista (16,235 kilo), Balungao (10,497 kilo) at Bugallon (4,510 kilo).

Dagdag ni Domalanta, dahil sa programa na nagsimula noong 2019, umabot na sa 3,637 bricks mula sa plastik ang nagawa.

Maliban sa mga grocery, maaaring ipalit ng mga Pangasinenses ang kanilang basurang plastik ng cellphone load at school supply. (PNA)

The post Plastik palit grocery sa Pangasinan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *