Plastic recycling program inilunsad ng Valenzuela City

INILUNSAD ng Valenzuela City Go­vernment ang “May Balik sa Plastik” na kauna-unahang citywide residual waste collection program na naglalayong mag-recycle at mabawasan ang mga basurang plastik at mga karton na nakaimbak sa Valenzuela landfill.

The post Plastic recycling program inilunsad ng Valenzuela City appeared first on Abante News Online.

plastic recycling program inilunsad ng valenzuela city - Plastic recycling program inilunsad ng Valenzuela City
Valenzuela City - Plastic recycling program inilunsad ng Valenzuela City

INILUNSAD ng Valenzuela City Go­vernment ang “May Balik sa Plastik” na kauna-unahang citywide residual waste collection program na naglalayong mag-recycle at mabawasan ang mga basurang plastik at mga karton na nakaimbak sa Valenzuela landfill.

Katuwang ng city government ng Valenzuela ang Nestlé Philippines, Department of Education (DepEd) at Green Antz Builders, Inc., kasama ang Sangguniang Kabataan Federation, Liga ng mga Barangay, City Street Sweepers, public school students, teachers at mga magulang na nagkaisa para maisulong ang kalinisan sa lungsod na ginanap sa Valenzuela People’s Park Amphitheater, Lunes ng umaga .

Ayon kay Kais Marzouki, Nestlé chairman and CEO, malaki ang kanilang naging commitment para sa waste ma­na­gement dahil alam nilang istrikto ang Valenzuela City pagdating sa waste se­gregation system na kung saan mayroon din silang mga model schools na nag-eenganyo at nagbibigay ng magandang halimbawa pagdating sa plastic recycling at environmental awareness.

Ibinida naman ni Mayor Rex Gatcha­lian ang programa na magbibigay ng aral sa mga kabataan na ilagay sa nararapat ang mga plastic wastes at hindi ang pag-ban ng plastics kundi dapat na i-recycle ito at muling gamitin.

Dagdag pa ni Marzouki na gumagawa na sila ng innovative packaging solutions para mabawasan ang mga plastik na basura upang ma-recycle na kung saan ang ilang paaralan naman ay gumagawa na ng kanilang istilo na gamitin ang mga plastic para maging mesa at upuan.

Inilunsad na ang tatlong paraan ng pagtatapon ng plastic, una ay ang public school-based plastic wastes and cartons collection, ikalawa sa barangay-based plastic wastes and cartons collection, at ang informational activities na nagsusulong ng kaalaman at pagbabago.

Sa ilalim ng programa, ang mga mangongolekta at magbibigay ng plastic wastes at beverage cartons ay makakakuha ng insentibo mula sa Nestlé at sa local government ng Valenzuela.

Habang ang mga street sweepers na nag-segregate ng mga basura ay makakatanggap din ng regalo mula sa Nestlé.

Ang mga public school students at mga guro na magdadala ng plastic waste ay makatatangap din ng tseke sa isasagawang lingguhang raffle. (Vick Aquino)

The post Plastic recycling program inilunsad ng Valenzuela City appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *