Plastic palit bigas patok sa Cauayan

KLIK ngayon sa Cauayan City ang programang ‘Basura mo, Papalitan ng Bigas’ project na naglalayong maturuan ang mga residente sa tamang pagtatapon ng basura na kung saan ay mapapalitan ang mga plastik na basura ng bigas.

The post Plastic palit bigas patok sa Cauayan appeared first on Abante News Online.

plastic palit bigas patok sa cauayan - Plastic palit bigas patok sa Cauayan
palit bigas - Plastic palit bigas patok sa Cauayan

Ni Vick Aquino

KLIK ngayon sa Cauayan City ang programang ‘Basura mo, Papalitan ng Bigas’ project na naglalayong maturuan ang mga residente sa tamang pagtatapon ng basura na kung saan ay mapapalitan ang mga plastik na basura ng bigas.

Ayon kay District 2 village head Paolo Eleazar Delmendo, hinihikayat nila ang lahat ng mga kabarangay at kalapit na barangay na itabi at huwag itapon ang mga boteng plastik at iba pang plastik na basura na kung saan ay maaari itong kilohin at palitan ng bigas.

Sa dalawang kilo ng plastic bottle o tatlong kilo ng assorted plastic o isang kilong plastic wrapper ay maaaring mapalitan ng isang kilo ng bigas.

Magandang ideya umano ang kanilang programa dahil natututo ang mga residente na mag-ipon at naisasantabi pa ang mga basura sa bulok at nabubulok na basura na kung saan ay makakaing bigas ang kapalit ng kanilang pagsisikap.

The post Plastic palit bigas patok sa Cauayan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *