Plastic bottle palit pasahe sa Ecuador

PARA mabawasan ang basura at polusyon sa Ecuador ay isang bagong polisiya ang ipinatutupad sa nasabing bansa ngayon. Ito ay ang pagtanggap sa recyclable plastic bottle kapalit ng bus ticket.

plastic bottle palit pasahe sa ecuador - Plastic bottle palit pasahe sa Ecuador
abante Plastic bottle - Plastic bottle palit pasahe sa Ecuador

PARA mabawasan ang basura at polusyon sa Ecuador ay isang bagong polisiya ang ipinatutupad sa nasabing bansa ngayon. Ito ay ang pagtanggap sa recyclable plastic bottle kapalit ng bus ticket.

Ayon sa ulat ang port city sa Ecuador ang may pinakamaraming populasyon na naitala sa 2.7 milyon kaya lumilikha ito ng sangkatutak na basura.

Kaya ngayong maari nang ipalit ng tiket pambayad sa bus ang mga bottled water ay pumipila muna sa makinang kumokolekta ng botelya ang mga pasahero para ipalit ang bawat plastic bottle sa halagang 2 cents na maari nilang pamasahe.

Dahil sa pagdagsa ng mga nagpapalit ng tike­t ay magdadagdag pa ng mga makina sa mga bus terminal.

Nauna rito ay nagpapatupad ng mga panuntunan ang ilang local government sa Ecuador kaugnay sa produksyon, pagbebenta at pag-angkat ng single-use plastic katulad ng bag at mga straw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *